^

Pang Movies

Cristine, tinawanan ang love of my life ni Marco!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Cristine, tinawanan ang love of my life ni Marco!
Cristine

“Love of my life” ang tawag ni Marco Gumabao sa kanyang girlfriend na si Cristine Reyes noong mag-celebrate ito ng birthday kamakailan.

Nag-share si Marco ng romantic moments nila on social media.

“Wishing the most amazing birthday to the love of my life! You bring so much joy and love into my world, and I’m grateful for every moment with you. Here’s to a day as special as you are, filled with laughter, love, and unforgettable memories. Happy birthday, beautiful!” caption ng aktor.

Nag-react si Cristine sa pag-reply na may funny GIF making a heart sign.

Nag-turn 35 si Cristine noong Feb. 5.

Teejay, gumawa ng craziest sa Indonesia

Itinuturing ni Teejay Marquez na isa sa craziest thing na kanyang ginawa para sa kanyang career ay nang mag-artista siya sa bansang Indonesia.

Kuwento niya, naglakas-loob siya na magtungo sa Indonesia at mag-aral ng kanilang salita na Bahasa para sa kanyang pagiging artista doon.

“’Yung naglakas-loob ako na mag-take ng risk na pasukin ‘yung pagsho-showbiz sa Indonesia.

“Kasi syempre, unang-una, first time kong makalabas ng bansa, magtrabaho sa ibang bansa, ibang culture. Pero, since talagang gusto ko mag-artista, tapos binigyan nila ako ng call na, baka gusto kong i-try. Kahit alam kong wala akong idea, ako lang mag-isa, pumunta ako dun.”

Nagbunga naman ng maganda ang pagbabakasakali noon nito dahil agad siyang sumikat doon at bumida pa sa Indonesian TV series noong 2018 na Siapa Takut Jatuh Cinta, ang isa sa adaptation ng sikat na Taiwanese drama na Meteor Garden.

Panghihinayang ni Teejay na biglang nabitin ang pag-aartista niya sa Indonesia dahil sa COVID-19 pandemic.

“Actually, talagang tuluy-tuloy po ‘yun. Pero nagbakasyon ako for like, two months dito sa Pilipinas, tapos nag-COVID. So, hindi po ako makalabas dahil bawal na nga lumipad. Tapos ‘yun, two years pala ‘yung COVID, so... kailangan maghintay.”

Napapanood siya ngayon sa mystery revenge drama ng GMA na Maki­ling bilang isa sa miyembro ng grupo ng mga kontrabida na Crazy 5.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with