^

Pang Movies

Lolit Solis may binulgar sa hiwalayang Bea-Dominic?! Dominic, umaming sugatan ang tiyan nang iangkas si Bea!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lolit Solis may binulgar sa hiwalayang Bea-Dominic?! Dominic, umaming sugatan ang tiyan nang iangkas si Bea!
Dominique Roque at Bea Alonzo

Gerald, todo pakita ng pagmamahal kay Julia

Hiningan namin ng komento si Nay Lolit Solis kahapon sa breakup nina Dominic Roque and Bea Alonzo na maaga  sa lunch chikahan with the entertainment press ni Sen. Bong Revilla.

Katuwaan lang.

Common knowledge ang ‘konek’ kumbaga ni Nay Lolit kay Bea.

Pero kamakailan lang ay nagkabati sila na ang pakiramdam ng iba ay nakipag-‘plastikan’ lang ang actress dahil may mga camera.

Palagay mo, anong bagay na jowa kay Bea ngayong break na sila ni Dominic?

“Hahahahaha. Baka tomboy,” mabilis niya (Lolit) sagot na siyempre ay nagbibiro lang.

“Bakit may lumiligaya naman sa babae ah,” biro niyang dagdag na komento.

Pero naniniwala ka bang sa pera o pre-nup aggreement ang pinagmulan ng breakup nila lalo na at alam ng lahat sa showbiz na mayaman si Bea at may property pa nga sa Spain?

“Kahit kaninong tao, issue ang pera pero dapat ‘yan respeto ‘di ba. Para hindi magkaroon ng problema,” banggit ng talent manager / columnist.

“Pero kapag in love ka ba iisipin mo ang mga property? ‘Di ba sabi nga nila ang love, unconditional ang love. Hindi mo nakikita ‘yung iba. Bakit mo iisipin ang pera kung talagang in love ka,” dagdag pa ni Nay Lolit.

So palagay mo, hindi siya totoong in love kung ganun?

“Pwedeng hindi,” sagot niya pa.

Lumabas na wala talagang nagtatagal kay Bea na karelasyon.

Bago si Dominic naging boyfriend niya sina Zanjoe Marudo at Gerald Anderson. Na pareho na niyang hindi kinakausap ngayon.

Si Zanjoe ay maligaya kay Ria Atayde habang si Gerald ay very much in love kay Julia Barretto.

Pero hindi pabor si tito Boy dito.

“Ito ang ayaw ko. Dito sa kuwentong ito, pinalalabas na ang may problema si Bea Alonzo kasi. ‘Naghiwalay sila ni Gerald Anderson, naghiwalay sila ni Zanjoe Marudo, hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon.’ To me, napaka-judgmental po nun,” sabi ni tito Boy.

Dagdag niya pa “Yes, you and I have the right to comment. Yes, you and I have the freedom of speech, pero ako I appeal for kindness. What do we really know about this relationship? Do we know the nuances? Alam ba talaga natin ang detalye?” depensa pa ng King of Talk.

Nabanggit nga rin ni tito Boy sa Fast Talk with Boy Abunda last Tuesday na naisauli na ni Bea ang engagement ring na bigay ng actor.

But anyway, nag-break na lang sila pero once lang pala naisakay sa motor ni Dominic ang ex-girlfriend.

“Sinakay ko siya one time, eh, dati, kaso tumigil kasi puro kalmot yung tiyan ko dahil nanggigigil siya sa takot. So hindi ko na siya pinilit kasi alam mo ‘yun… oo, hindi na. Kotse na lang, pero sa motor, hindi. Takot siya, eh.”

Pero hindi ka niya binawalan noon na mag-motor?

“Hindi naman. Siguro hindi rin niya ako puwedeng bawalan kasi it’s been my passion for a long long time. First year high school pa lang ako, nagmo-motor na ako. So nakaano na sa DNA ko ‘yung pagmo-motor,” diin niya sa nasabing interview nung hindi pa nakukumpirma ang sinasabing hiwalayan nila two weeks ago.

Nabanggit pa noon ni Dominic na mas gusto sana niya ng babaeng anak. “Babae ang napag-usapan namin. Names, wala pa pero gusto ko talaga babae sa first. Wala, parang, mas malambing kasi usually ‘yung babae sa dad, ‘di ba. So ako mas gusto kong ganun. Actually any naman, as long as healthy nilabas. Pero syempre mas pipiliin, gusto ko babae talaga.

“Twins, why not? Isang girl, isang boy tapos, ‘yun, ok ‘yon. Plano siguro after the wedding.”

May plans kayo honeymoon na?

“Wala pa, actually. Honeymoon place? Parang wala pa kaming napag-usapan. Ang iniisip namin dati, Maldives. Hindi pwede sa Maldives. Marami nang namatay na tao sa Maldives. So lately nagkaka-problem din sila do’n so ‘di ko alam.”

Well, hanggang panaginip na lang ‘yun.

Split na sila.

Maraming sinasabing rason pero of course aamin ba sila?

Pero nakakawindang ang usap-usapan ng iba. Diumano’y pareho silang may ‘nadiskubre’ sa isa’t isa.

Baka mas bagay kay Bea ang foreigner.

vuukle comment

DOMINIQUE ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with