^

Pang Movies

Firefly, hakot-award sa MIFF

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Firefly, hakot-award sa MIFF

Bongga, lumiwanag ang gabi para sa Firefly team sa awarding ng Manila International Film Festival (MIFF) sa Hollywood, California, matapos humakot ng four major awards ang pelikula mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs.

Kabilang sa mga napanalunang award ng Firefly ang Best Picture at Best Screenplay award na napanalunan rin nila noong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.

Dagdag pa sa listahan ng kanilang nauwing awards ang Best Director na nakuha ni Direk Zig Dulay, at Best Supporting Actress na nakuha naman ni Alessandra de Rossi.

Bukod dito, nominado rin ang Firefly para sa Best Supporting Actor para kay Epy Quizon, Best Supporting Actress para kay Cherry Pie Picache, at Best Cinematography para kay award-winning cinematographer Neil Daza.

 Kasabay ng hakot award na ito ang patuloy na pagtangkilik at pagsuporta ng mga manonood hindi lang sa Pilipinas, kundi pati rin sa ibang bansa.

Kaya naman, congratulations sa Firefly team at sa GMA Network!

Di ba sana ganitong mga pelikula ang gawin ng ibang mga producer natin para tuluy-tuloy ang ligaya ng mga manonood sa takilya.

Malaking bagay siyempre ang istorya ng pelikula.

vuukle comment

FIREFLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with