^

Pang Movies

Ysabel, nabudol ng Spider-Man sa US

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ysabel, nabudol ng Spider-Man sa US
Ysabel Ortega

May paalala ang Kapuso actress na si Ysabel Ortega sa mga may balak pumunta sa Los Angeles, California dahil nabudol pala siya roon.

Ikinuwento niya ang naranasan nang mabudol noong first day pa lamang nila sa LA.

Nakatayo raw sila sa Hollywood Boulevard nang may lumapit sa kanila na Spider-Man and Mickey Mouse at nabaitan pa siya sa mga ito. Pero naramdaman daw niya na parang may hindi maganda sa mga ito.

Nagpa-picture ang mga ito sa kanya at inisip na hindi naman sila naniningil kaya hinayaan lang niya at nginitian.

Pero mali ang inaakala niya dahil siningil siya ng mga ito pagkatapos ng $20.

Naalala raw niya ang sinabi sa Immigration na hindi raw siya halatang 25 years old kaya ginamit niya naman ito sa mga nambubudol.

Sinabi raw niyang menor de edad pa lang siya at proud pa siya na nalusutan ang mga ito sa halagang $15 pero nang i-convert na niya sa peso ay laking gulat niya na P2,000 din pala iyon at nanghinayang.

Kaya naman payo niya sa mga pupunta sa LA, ‘wag magpapa-picture sa mga Spider-Man or Mickey Mouse na lalapit sa kanila.

vuukle comment

YSABEL ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with