^

Pang Movies

GomBurZa, nadaan sa word of mouth!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
GomBurZa, nadaan sa word of mouth!   
GomBurZa

Walang dudang tuwang-tuwa ng Media Quest Ventures dahil ang una nilang nasalihang pelikula, ang GomBurZa ay hindi lamang pinuri ng mga kritiko kundi kumita rin nang malaki dahil sa word of mouth na napakaganda nga ng pagkakagawa.

Pero nasamid sila sa kanilang ikalawang venture, ang pelikula ni Donny Pangilinan na pagkatapos ng showing mukhang na-pull out pa sa mga sinehan dahil sinasabing nagsimula sila sa 127 theaters pero hindi mo makita kung saan.

Pero ganoon naman ang pelikula at saka isa pa, noon pa namang una ay inaasahang nang maghihilahod sa takilya ang pelikulang iyan.

Kung nalugi man ang producers, pera lang iyan na madaling bawiin. Ang talagang talo riyan ay si Donny.

 Fil-Ams, mas naka-relate sa Tokyo...       

 Iba ang kuwento ng mga beteranong news correspondents na Pilipino sa unang Manila International Film Festival. Sinasabi nilang doon ang mukhang lalabas na blockbusrter hit talaga ay ang pelikula ni Vilma Santos at Boyet de Leon na When I Met You in Tokyo. Mas nakaka-relate raw kasi ang mga Pinoy na old timers sa US sa kuwento ng pelikula tungkol sa mga nagkakaedad na OFWs.

Karamihan kasi ng mga Pinoy sa Los Angeles ay old timers na. Kaya gusto nila ang ganoong kuwento.

Jampacked daw ang mga sinehan lalo na sa late afternoon at evening screenings ang When I Met You in Tokyo at pati Mallari.

Ganoon pa man, maaari raw maiba ang desisyon ng jurors sa mga pelikulang mananalo.

Hindi na mahalaga iyon eh, ang importante ay naibalik na nga ang mga tao sa panonood ng sine at sabi nga ng beteranong entertainment journalist na si Lhar Santiago, hindi maikakailang si Ate Vi (Vilma Santos) ang nagsimula ng advocacy na iyon at nagtagumpay siya.

Beteranong showbiz gay, pinairal ang utak

“Mahirap ninyo kaming maloko, sanay na kami,” sabi ng isang beterano na ring showbiz gay. Ang kuwento niya may naka-chat daw siya sa internet, dahil pogi naman nagpakita siya ng interest na makilala.

Tapos hiningan siya ng P500 kapalit daw ng video noon. Nang maipadala na raw ang pera nawala na sa online ang ka-chat niya. 

Makalipas lang ang ilang buwan lumitaw iyon ulit at nagsabi namang handa nang makipagkita sa kanya, na-excite naman ang bakla.

Kaso humihingi ng dalawang libong pang-gas lang daw ng kotse niya para sila makapag-date at kailangang ipadala muna iyon sa kanya. 

Umiral din ang utak ng bading. Natunugan niya na iniisahan na naman siya.

vuukle comment

GOMBURZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with