^

Pang Movies

Nanay ni Janno, ‘di sumilip sa burol ni Ronaldo?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nanay ni Janno, �di sumilip sa burol ni Ronaldo?!
Ronaldo Valdez
STAR / File

MANILA, Philippines — Mukhang maling strategy sa publisidad ang gamitin pa ang kuwento ng kamatayan ni Ronaldo Valdez para mag-top story ang kanilang mga interview kay Janno Gibbs.

Unang directorial job iyan ni Janno, huling pelikula naman ng tatay niyang si Ronaldo.

Ang ulit-ulitin ang isang malagim na bagay na ang intensiyon naman ay mai-promote ang isang pelikulang comedy ay makaturungan.

Hindi rin namin alam kung bakit naka-picture pa nang todo ang ermat ni Janno noong premiere night ng kanyang pelikula ganoong ni minsan ay hindi man lang iyon sumilip sa burol ng namatay na asawa.

Bakit din pagkatapos ng libing nanahimik na ang “manager” ni Ronaldo na siyang medyo maingay noong una.

Mahirap talagang ipaliwanag ang sitwasyon nila kaya dapat sana inilayo nila iyan sa kanilang pelikula.

Kung sana nag-concentrate na lang sila sa ipinakita ni Janno sa pelikula at kung papaano niya binuo iyon baka mas maganda pa kaysa sa tuwing mababasa mo siya, ang sinasabi ay tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama na isang hindi magandang kamatayan.

Andres, inaabangan ang pagsikat

Kagaya ng inaasahan nag-click ang pagpasok sa telebisyon ng anak na babae ni Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha. Wala namang dahilan para siya pumaltos dahil maganda ang mukha, ang attitude at tangay siyempre siya ng winning team ng TVJ na lalong malakas ngayon dahil nakukuha pa nila ang simpatiya ng publiko.

Pero naririnig na mas pinag-uusapan ng mga tao kung susunod ba si Andres na isang kilalang athlete rin pogi at pinagkakaguluhan na ng mga tao noon pa man, pero noong una ay hindi pa makadesisyon si Andres.

Siguro nang nakita niyang nagtatagumpay na ang kakambal niyang si Atasha nakumbinsi na rin siyang pasukin ang show business.

Ang mamamahala rin ay ang Viva kung saan nagsimula rin si Aga.

At sama-sama silang mag-anak sa isang sitcom ayon sa aking nabasa na mapapanood sa TV5.

Masaya tiyak ang programa dahil wholesome, pang-pamilya.

At malaki ang posibilidad na sumikat nang husto si Andres kagaya ng tatay niya na naging crush ng bayan.

At ang sabi, kasing bait din ng tatay si Andres.

Jennylyn at Dennis, binago ng anak

Mukhang masayang-masaya si Jennylyn Mercado ngayong makakabalik na siya sa kanyang career.

Matagal din ang kanyang bakasyon dahil sa kanyang pagbubuntis at panganganak sa baby nila ni Dennis Trillo na si Dylan.

Kung ikumpara nga niya mas mabilis ang panganganak niya at maging ang kanyang reco­very nang isilang niya ang anak na si Alex Jazz na given na dahil mas bata pa siya noon.

Inamin din ni Jen mas gumanda ang kanilang relasyon matapos silang magpakasal ni Dennis at nagkaroon ng anak.

Malaki nga siguro ang nagawa ni Dylan sa bonding ng kanilang pamilya.

Starlet, bayad ang kaligayahan

Pulos drama pa rin ang ang ginawa ng sexy star na kilala sa kalandian. Bakit hindi namin sasabihin iyon eh nasalubong namin sila mismo ng isang male starlet na kilalang “car fun boy” sa isang coffee shop sa isang mall noong isang gabi.

Kung titingnan mo lang parang isang maagang Valentine’s date lang iyon at maniniwala sana kaming ganoon nga kung wala kaming source na nagsabing ang maganda at malanding miss ay nagbabayad sa professional car fun boy para sa kanilang date na karaniwang humahantong sa condo ni Miss.

At alam na ninyo kung ano ang kasunod noon bakbakang umaatikabong walang sinabi ang mga pelikula ng Vivamax.

Kung hindi ba ay babayad si girl ng rate na hinihingi ni boy para sa isang date? Kung mayamang bading siguro ok lang ang rate ni boy pero maganda rin naman si girl at hindi naman kayamanan.

Pagmamahal bang matatawag ang ganyan o ano?

vuukle comment

RONALDO VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with