^

Pang Movies

Rea Gen, wagi bilang Tawag ng Tanghalan champion

Pang-masa
Rea Gen, wagi bilang Tawag ng Tanghalan champion
Rea Gen Villareal
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasungkit ng event singer mula sa Caloocan na si Rea Gen Villareal ang pinakamimithing titulo bilang bagong kampeon ng longest-running singing competition sa bansa na Tawag ng Tanghalan sa Huling Tapatan nito noong Sabado matapos ang ika-apat na subok sa nakaraang seasons.

“Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon kasi hindi ko rin ine-expect na mananalo ako dahil ilang beses na rin akong natalo. Sa ika-apat kong balik ayun nanalo na po ako bilang grand champion,” saad ni Rea Gen matapos niyang itinanghal na bagong kampeon ng TNT.

Dagdag niya na dahil sa suporta at kumpiyansa ng kanyang pamilya at kaibigan kaya naman hindi siya sumuko at pinagpatuloy niya ang kanyang pangarap.

Unang round pa lang ay pinabilib agad ni Rea Gen ang hurados ng nagpasiklab siya sa pag-perform ng medley ng kanta ng The Company. Nanguna nga siya sa first round at ipinagpatuloy ang kanyang magandang simula sa pagkanta naman ng awitin ng Eraserheads na Ang Huling El Bimbo kaya naman nakamit niya ang highest combined average score na 97.4% mula sa hurados.

Nagsilbing hurados para sa Tawag ng Tanghalan Season 7: Ang Huling Tapatan sina Gary Valenciano, Louie Ocampo, Ogie Alcasid, Marco Sison, Nonoy Zuniga, Erik Santos, Jolina Magdangal, Jed Madela, Dingdong Avanzado, Darren, Kean Cipriano, Jona, Klarisse de Guzman, at Mark Bautista.

Bilang bagong grand champion, nag-uwi siya ng P1 milyon, isang ABS-CBN Music recording contract, isang management contract sa ilalim ng Polaris ng Star Magic, at tropeyong dinisenyo ni Toym Imao. Samantala, nakakuha naman si Eunice ng ?300,000 at nanalo naman si Vensor ng ?100,000.

Marami namang Pilipino ang tumutok sa pagkapanalo ni Rea Gen kaya naman top trending ang #ShowtimeTNT7AngHulingTapatan at nakakuha naman ng 313,099 peak concurrent views ang programa.

vuukle comment

TAWAG NG TANGHALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with