^

Pang Movies

Alfred, parang nanganak din!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alfred, parang nanganak din!

Napaka-cute ng anak nina Alfred at Yasmine Vargas.

Kahapon ay kumalat ang pagpapakilala ni Alfred sa kanilang baby. “To our dear family and friends,
“With much love, gratitude and happiness, we proudly introduce the newest member of our family, our little bundle of joy, AURORA SOFIA E. VARGAS.”

Suwerte talaga ang mga baby ngayon, kakalabas lang, may pictorial na kaagad.

Tyinaga ni Alfred ang hirap ng pagbubuntis ni Yasmine kaya tiyak na parang nanganak din ang pakiramdam ni Alfred.

Bongga.

Ang hinihintay ko ngayong makita ay ang second baby nina Pauleen Luna at Vic Sotto. Sigurado akong super cute rin ‘yun tulad ni Tali.

At tiyak din may pictorial kaagad siya ‘pag nakalabas na sila ng hospital.

Rocco, pinasara ang beach para sa misis

Naka-tatlong taong kasal na pala ang aktor na si Rocco Nacino at misis nitong si Melissa Gohing at nagselebreyt sila ng kanilang wedding anniversary.

Binati ni Melissa ang mister at ipinost ang video na tila wedding anniversary celebration nila sa isang beach resort.

Ang saya nilang tingnan kasama ang anak nila na si Ezren sa kanilang bonding sa beach.

Pero sinorpresa pala ni Rocco ang misis sa kanilang simple celebration at solong-solo nila ang beach na kinuntsaba ang mga staff ng resort. Makikita ang pagka-touch ni Melissa sa ginawa nito.

Pinusuan naman ito ng netizens at inulan sila ng pagbati.

Siguradong nakaabang ang fans kung susundan na ba nila ang kanilang panganay.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with