^

Pang Movies

Bahay nina Karla at Daniel, dinidispatsa sa halagang P50 million

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Bukod sa motorbike, binilhan din diumano ni Karla Estrada ng luxury car ang kanyang boyfriend sa kasalukuyan ayon sa isang source. Porsche raw ang brand nito.

Naungkat ang tungkol dito matapos kumalat na for sale nga ang bahay nila sa Quezon City.

Ang listed price ng bahay ay P50 million.

Posted ito sa isang real estate Instagram account.

Walang picture at walang sinabi sa post na bahay ‘yun nila Daniel pero exposed na ito sa mga TV show, vlog at magazine cover kaya mabilis na-identify ng netizens.

Nauna nang naibenta ang kotse ni Daniel na  Chevrolet Corvette C7 sa halaga umanong P6.5 million.

Totoo kayang hinahanap na ni Daniel ang mga pera niya na kita nung kainitan ng kanyang career?

Kaya lahat ng mga property raw ay kailangan na rin nilang gawing solid o maging cash?

‘Di hamak daw kasi na talagang malaki ang naging ipon at investment ni Kathryn Bernardo kahit matagal silang naging magka-loveteam.

Ka-Join ang dalawang international actor, Julia sinunggaban ang inayawang drama series ni Nadine

Nasa social media account na ng Korean actor na si Sang-heon Lee na may ginagawa silang series ni Julia Barretto.

Nag-post ang Korean actor na andito siya sa Pilipinas para sa taping ng drama series na Secret Ingredient.

Mas nakilala si Sang-heon Lee sa Korean series na XO, Kitty.

Mabilis namang nire-post ni Julia ang nasabing post ng Korean actor.

Bukod sa nasabing photo nila, nag-post din ang Korean actor ng video habang kumakain ng prop food na hindi raw niya usually ginagawa.  “Normally I would never eat prop food but this was cooked fresh from a chef so it was ok emoji,” aniya sa caption.

Meron pa siyang video na kumakain ng street food.

Sa streaming platform na Viu raw ito mapapanood at unang inalok ang role ni Julia kay Nadine Lustre. Pero diumano’y naliitan si Nadine sa talent fee at ayaw nitong mag-adjust kaya ini-offer kay Julia na mabilis naman daw tinanggap ng girlfriend ni Gerald Anderson.

Ayon sa isang source, ayaw diumanong mag-adjust ni Nadine sa kanyang talent fee, gusto raw nito ay ‘yung talent fee pa rin niya before pandemic.

Hindi na diumano nag-bargain ang producer, mabilis agad silang nagha­nap at si Julia nga ang tumanggap kaagad.

Mas tutok ata si Nadine sa mga brand collab na malaki rin naman daw talaga ang kita pero hindi naman kasing laki ng talent fee sa pelikula.

Bukod sa Korean at Julia, may isa pa silang kasama na Asian actor na darating sa bansa sa Secret Ingredient.

Aktor, tsinugi ang manager

At late na raw nadiskubre ng management group ng actor ang love affair nila.

Family man daw si actor pero maraming nakakaalam na may problema sila ng misis.

Ngayon ay ang dalawa raw ang nakikipag-negotiate sa mga offer sa actor.

Totoo rin kayang hindi man lang nakipag-usap nang maayos ang actor sa kanyang management bago nag-decide na magsarili na sila ng road manager?

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with