Janno, ide-detalye ang nangyari sa ama!
Nakatakda nang ipalabas ang pelikula ni Janno Gibbs na kasama ang kanyang namayapang amang si Ronaldo Valdez. natural nga namang magkaroon ng promo ang pelikula, inaasahan nilang magsasalita na si Janno tungkol sa diumano ay “paglapastangan” sa kanyang ama na naglabas pa ng video nang iyon ay kunin na nga ng pulisya sa kanyang tahanan matapos ang sinasabing “suicide.” Dahil sa video na iyon na nakunan daw sa suot na body cam ng mga imbestigador nang pumasok sa bahay at kumalat naman nang may tatlo raw netizens na nakakuha noon at nag-upload sa social media at natanggal nga sa trabaho ang dalawang pulis.
Pero kung inaakala ng iba na makatutulong iyon sa pelikula nina Janno at ng tatay niya dahil mapag-uusapan nga sa social media baka maging negative pa ang dating magiging negative pa iyon para sa pelikula kung mapag-uusapan ngayon. Hindi bale na pagkatapos na maipalabas ang pelikula tutal nagpalipas na rin naman sila ng panahon bago magbigay ng statement.
Ang isa pang magiging tanong diyan ay bakit naman kasi hinahayaang mag-isa si Ronaldo Valdez ganoong alam pala nila na dumaranas iyon ng depression simula nang hiwalayan ng kanyang asawa?
Bea, ‘di nagkatotoo ang sinabi
Nakaka-aliw ang statement ni Bea Alonzo na nagsabing ayaw na niyang magkasyota ng taga-showbusiness dahil ang mga lalaki rito ay mas madaling manloko ng kanilang girlfriends at ang idinadahilan ay may ginagawa kasi silang pelikula ng kanyang leading lady at hindi dapat bigyan nang hindi magandang kahulugan ang kanilang mga aksiyon.
Hindi mo masasabing mali si Bea dahil sa kanyang karanasan sa ilang naging boyfriends ay ganun. Ok sa harapan pero pagtalikod ko kuwidaw ka na baka may binobola nang iba.
Pero bakit bumagsak pa rin siya sa isang taga-showbiz, kasi ang syota niya ngayong si Dominic Roque ay isa ring model at artista naman.
Pero mabilis ang sagot diyan ni Bea. Noon daw unang manligaw sa kanya si Dominic, iyon ang itinanong niya agad, kung nag-aartista pa ba iyon. Ang isinagot naman daw sa kanya ay hindi na, kaya ok lang iyon. Pero hindi mo naman masasabing hindi artista si Dominic dahil wala pa naman siyang sinasabing ayaw na niyang mag-artista.
Hindi naman lumaki ang career bilang isang actor ni Dominic kaya madali sa kanya ang ganung dialogue. Sa modeling naman bukod sa naging endorser nga siya ng isang brand ng underwear, ay wala na rin naman. Kaya siguro mabilis din siyang nakasagot kay Bea, na “hindi na.”
Maine nangatwiran sa pag-ulit ng damit
Maganda ang tanong ni Maine Mendoza, ano ba ang masama kung mag-ulit man ng kanyang isinusuot na damit ang artista? Aywan nga ba kung bakit basta ang isang damit ay nakita nang isinuot ng celebrity at ginamit niyang muli ang sasabihin agad ng mga tao “‘di ba ginamit na niya iyan dati.”
Isipin mo nga naman halimbawa na si Maine, araw-araw siyang nasa Eat Bulaga, kung hindi siya mag-uulit ng damit isipin ninyo kung ilang libong damit na siya mayroon ngayon.
Female star ginagamit ang katawan para kumita
Iba talaga ang raket ng isang female starlet. Kaya pala madatung siya at nagagawa niyang magregalo ng mga mamahaling kagamitan sa kanyang mga nagiging boyfriend ay dahil “suma-sideline” na rin pala siya sa mga gurang na milyonaryo.
Ang isang male starlet na tambay din sa mga watering holes dahil doon naman niya nakakatagpo ng mga client niyang karamihan ay bading, ang nagsabing totoo, pumapatol nga daw ang young female star sa mga DOM pero pagkatapos ang kinikita naman niya sa mga DOM ay ginagastos niya sa mga bagets na type niya. Inamin din ng male starlet na nai-date na raw siya ng female star at binayaran siya noon para sa kanyang services.
Pelikulang ipinalabas, super dapa sa takilya
Nangyari na nga ang aming kinatatakutan hindi na kumita ang isang pelikulang inilabas sa mga sinehan nitong nakaraang araw, ayon sa report mas kumita pa ang tatlong linggo nang festival movies kaysa roon. Pero ang mga may ari naman ng sinehan, mabilis na nagsabing hindi naman kasi box office stars talaga ang bida sa pelikula, hindi rin iyon nai-promote na kagaya ng festival movies. Kumita lang naman ang mga festival movies dahil sa malaking promotion ng mga iyon at nagsakripisyo ang mga artista na magpunta sa sinehan magbenta ng tickets at magkaroon pa ng blocked screening para sigurado silang puno ang mga sinehan.
At mga sikat siyempre ang artista nila.
Kung ang gagawin nga naman ng mga bagong pelikula ay maliliit ang stars at hindi pa matindi ang promo babalik nga ang pelikula sa halos walang manood na tao sa sinehan.Hindi lang nila sinayang ang kanilang pinaghirapan sinayang din nila ang pagmamalasakit ng mga artista sa festival movies na nagsikap para mapabalik sa sinehan ang mga tao.
- Latest