Anak ni Yasmien, matagal nang sabik sa kapatid
Masaya ang mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldivilla, Jr. at ang kanilang 10-year-old daughter na si Ayesha Zara na nakatakda silang magkaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya this year.
Magiging ‘big sister’ na rin sa wakas si Ayesha na matagal nang gustong magkaroon ng kapatid.
Habang unti-unting lumalaki ang tiyan ng Kapuso actress ay nagdesisyon itong mag-enrol ng pastry making and baking class at APCA Philippines in Bonifacio Global City.
Nakakabilib din si Yasmien dahil kahit may sarili na siyang pamilya ay tinapos din niya ang kanyang pag-aaral sa Arellano University where she took up Political Science at nagtapos na cum laude. Twelve years na rin ang kanilang pagsasama ng kanyang pilotong husband na very supportive sa kanya.
Fil-Ams, excited sa MIFF
Kasabay na humarap ng chairman ng MMDA at concurrent chairman ng Metro Manila Film Ferstival na si Atty. Don Artes at opisyal ng kauna-unahang Manila International Film Festival (MIFF), ang Los Angeles-based Filipino-American businessman na si Winston Emano sa media conference na ginanap sa bagong bukas na MMDA Conference Room last Tuesday, Jan. 9, para sa magandang balita na may kinalaman sa extended (for one week) na 49th Metro Manila Film Festival at sa 1st Manila International Film Festival na gaganapin sa Los Angeles, California, USA sa darating na Jan. 29 hanggang Feb. 2, 2024 kung saan ipapalabas ang 10 pelikulang kalahok sa 2023 MMFF.
Record-breaking ang naabot ng 49th MMFF.Sa term din ni Chairman Artes mangyayari ang 1st Manila International Film Festival na ngayon pa lamang ay ikinaka-excite na hindi lamang ng Filipino movie producers, directors and stars na kalahok laluna sa US-based Fil-Am celebrities at mga kababayan natin na kahit nasa Amerika ay mararanasan din nilang mapanood ang MMFF movies.
Ayon kay G. Winston Amano, umaasa rin sila na sa pagsasagawa ng kauna-unahang MIFF in Hollywood ay magbubukas din ito ng magandang opportunity sa Filipino filmmakers, producers, actors na ma-penetrate ang Hollywood na unang pinasok ni Dolly de Leon at ibang Fil-Am actors na naka-base sa Amerika.
Robi at Maiqui, wala munang honeymoon
Hinayaan muna ng pamilya ng ex-PBB housemate-turned Kapamilya host na si Robi Domingo at bagong misis nitong si Maiqui Pineda na ma-enjoy ang kanilang ‘magical’ wedding hanggang sa reception last Saturday, Jan. 6, 2024 bago ibalita kay Robi na sumakabilang-buhay ang kanyang mahal na Lola on same day ng kanilang kasal.
Bukod sa pagkawala ng lola ni Robi, magkasama na sila ng kanyang wife na si Maiqui na haharapin ang pakikipaglaban sa sakit ng kanyang misis, ang pagkakaroon nito ng autoimmune disease na dermatomyositis which was diagnosed last year at naging dahilan ng pagkaka-confine nito. Nagtungo pa ang mag-asawa ng Singapore for further medical treatments at ang magandang balita ay nag-i-improve na umano ang sakit na iniinda niya.
Inaasahang babalik si Robi sa kanyang hosting job sa pagbalik ng bagong season ng reality show, ang Pinoy Big Brother sa taong ito habang bahagi pa rin siya ng tumatakbong musical variety show na ASAP Natin ‘To every Sunday ng ABS-CBN.
Tiyak na magluluksa muna ang mag-asawa at hindi itutuloy ang honeymoon na pwede naman talagang maghintay.
- Latest