Diego, nangako ng sustento sa pinalayas na anak
Hindi nagustuhan ni Diego Loyzaga ang mga sinabi ng nanay ng kanyang anak na si Hailey na sa loob ng mahaba na ring panahon ay naging anonymous dahil hindi naman ipinakikilala ni Diego kung sino ang ina ng kanyang anak, pero nabunyag iyon nang mismong si Alexis Suapengco na nagsabing diumano ay ipinaalis sila ni Diego dahil sa ibang babae.
Naniniwala kaming mahaba pang istorya iyan. At hindi iyan nagsisimula at matatapos. Tiyak na may mga dahilan pa at pangyayaring hindi pa lumalabas.
Basta ang mahalaga ay tiniyak daw ng actor na susustentuhan niya at ibibigay ang lahat ng pangangailangan noon.
Jo Koy, hindi napaghandaan ang Golden Globes!
Ano nga ba ang nangyari sa hosting ng komedyanteng si Jo Koy sa Golden Globe, at katakut-takot na pintas ang kanyang inabot. Tapos ang katuwiran niya “Yes, I got the gig 10 days ago! You want a perfect monologue? Yo, shut up. You’re kidding me, right? Slow down, I wrote some of these and they are the ones you are laughing at.”
Ano man ang ibigay na dahilan ni Jo Koy wala na iyon dahil hindi nagustuhan ang hosting niya ng mga tao. Doon nga mismo sa television coverage, makikita ang sama ng mukha ng actor na si Harrison Ford sa isang joke niya.
Ang masakit may Pilipino pang nagsabi na “patigilin na si Jo Koy dahil nakakasawa na ang panggagaya niya sa mga joke ng mga komedyanteng Pinoy.”
Si Jo Koy ay isang half Filipino na sumikat sa US bilang isang stand-up comedian. Dito sa Pilipinas, mas nakilala siya nang bigyang parangal siya sa Walk of Fame Philippines. Bago iyon ilan lang naman ang nakakakilala kay Jo Koy na Pinoy. Iyong pagiging host niya ng Golden Globe ay isang napakalaking pagkakataon para sa isang Filipino sayang nga lang at nagkalat siya.
‘Di pala si Cassy... Darren, paborito si Mavy!
Sa kanyang social media post sinabi ni Darren Espanto na “To my favorite Legaspi, happy birthday!” ay si Mavy.
Ha si Mavy ba ang favorite Legaspi niya, hindi ang kakambal niyang si Cassy na ka-love team niya sa pelikula?
Binati rin niya si Cassy na tinawag na “My Hannah” pero paano masasabing fair siya eh sinabi na niyang ang kanyang “favorite Legaspi” ay si Mavy?
- Latest