^

Pang Movies

Lotlot, natalakan dahil sa pagiging late

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lotlot, natalakan dahil sa pagiging late
Lotlot de Leon

Suportado ni Lotlot de Leon ang baguhang si Geraldine Jennings sa launching film nito na Isla Babuyan.

Kasama si Balot sa cast ng movie at ginagampanan niya ang role na ina ng karakter ni Geraldine.

Ayon kay Balot, siyempre ay nagsimula rin siya sa pagiging baguhan noon at sinuportahan din siya ng veteran stars natin.

She was only 14 years old nang magsimula sa showbiz at during that time, siyempre ay marami pa siyang hindi alam. Kaya naman, may mga pagkakataong napapagalitan din siya ng mga nakatatanda.

Naikwento nga ni Balot na noong baguhan siya ay napagalitan daw siya veteran actress na si Nida Blanca (RIP) noong nabubuhay pa ito dahil sa pagiging late.

“I remember, noong nagsisimula ako, sobrang lagare ako no’n as in sobra and we were doing Prinsesang Gusgusin. Napagalitan ako ni tida Nida, may she rest in peace, Nida Blanca,” kwento niya.

Sinabihan daw siya ng yumaong aktres na dapat ay professional siya sa oras. Pero that time naman daw kasi ay sunod lang siya nang sunod kung ano ang sabihin sa kanya ng mga namamahala ng kanyang career. ‘Pag sinabing pumunta siya sa ganitong lugar, pupunta raw siya nang wala nang tanung-tanong.

Pero naging wake-up call din daw sa kanya ang insidente with Nida and since then ay naging mas mindful na siya sa kanyang schedule.

Hindi raw komo anak siya ng Superstar na si Nora Aunor at ni Christopher de Leon ay may special treatment na siya.

“Napapagalitan din po ako ng direktor, nasasabihan ako ‘pag nagkakamali ako,” she said.

Napagalitan din daw siya ni direk Chito Roño at iyak siya nang iyak na feeling niya ay ayaw na raw niyang mag-artista.

Pero alam naman daw niya na ang mga pangaral at paninita sa kanya ay para rin sa ikabubuti niya at binaon niya ang mga advice na ito habang lumalaki at nagma-mature siya bilang aktres.

Anyway, sa Isla Babuyan ay kasama rin sa cast si Jameson Blake bilang leading man ni Geraldine, Nathalie Hart, Paolo Gumabao, Dave Borneo, Samantha Da Roza at marami pang iba. Produced by Solid Gold Entertainment mula sa direksyon ni Abdel Langit.

Sharon at Kiko, kabog ang halikan sa snow

Ang sweet ng birthday message ni dating Senador Kiko Pangilinan sa kanyang asawang si Sharon Cuneta. Kabog lahat ang iba pang birthday greetings na natanggap ng Megastar.

Nag-post si Atty. Kiko ng mga larawan nila sa birthday celebration ni Sharon nitong nakaraang Jan. 6 sa Seoul, South Korea. Lumipad ang mag-asawa sa nasabing bansa kasama ang kanilang tatlong anak noong Jan. 2.

“Happy birthday to my sweetheart, my wife, my best friend and the mother of my children, Sharon,” simula ng caption ng hubby ni Mega.

“I will always be here for you, to cheer you on, to raise you up, to be by your side and to support you always. I love you dearly, fiercely, unceasingly,” patuloy pa niya.

“I pray for your happiness, good health and success this 2024 and beyond,” mensahe pa niya sa misis.

Sa huli, sey pa ni Kiko, “In the end, love conquers all!.”

Sa isa pa niyang post ay makikita ang family photo nila at isang video na masaya silang naglalakad ni Sharon habang umuulan ng snow. Para silang mga bata walking in the snow at nag-kiss pa sila, huh!

Masayang-masaya sila na nag-snow sa mismong birthday ni Mega.

“Thank you for the birthday gift of snow on the 6th. From up above, a precious reminder to the family of His love and faithfulness,” caption ng mister ni Shawie.

Matatandaang kagagaling lang sa LQ (lovers’ quarrel) ng mag-asawa kamakailan. Kaya naman para silang bagong magdyowa ngayon sa ka-sweet-an.

vuukle comment

LOTLOT DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with