^

Pang Movies

Herlene, pinagkakitaan ang ‘kainan’ nila ni Rob

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Herlene, pinagkakitaan ang �kainan� nila ni Rob
Herlene Budol

Recording artist na rin si Herlene Budol at nagbu-voice lesson na na ito ng kanyang first single na ang title ay Kain Tayo. Maaalalang naging controversial ang salitang “kainin kita” nang mag-leak ang convo nila ni Rob Gomez at kasama sa convo na ‘yun ang kainan.

Naging running joke ‘yun, pero heto at akusa ng ibang netizens, pagkakakitaan ni Herlene. Kaya marami ang nagalit na naman sa kanya dahil ginawa raw nitong joke ang nag-cause ng trauma sa ibang tao, lalo na sa partner o ex-partner na ba ni Rob na si Shaila Rebortera.

Wala raw itong respeto sa kapwa babae, pero may mga dumepensa sa kanya, kung may makakarma man ay ‘yung nag-upload ng convo nang walang pahintulot. Hindi rin daw magandang halimbawa si Shaila na doktora pa naman.

May post si Herlene habang nagbu-voice lesson. Pinasalamatan nito ang former manager niyang si Wilbert Tolentino sa patuloy na paggabay sa kanya.

Anyway, napapanood pa rin siya sa Black Rider, at sa season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Isa siya sa new character na makakasama sa action series ni Sen. Bong Revilla na sa February na raw ang airing.

Richard at KC, gustong magbalikan ng fans

May pa-shade kay Sharon Cuneta ang netizen na nag-comment sa post ni KC Concepcion habang nagbabakasyon sa California kasama ang amang si Gabby Concepcion at pamilya ni Gabby.

Nag-post si KC na kitang nag-i-enjoy kahit nakaupo lang at may caption na “Estamos bien aqui” ang caption. Comment agad ng isang netizen, “Buti pa dito

good vibes! Sa kabila hindi mo mawari.”

May humirit pa ng comment na “Madaming cryptic message sa kabila” at ang tinutukoy nila ay ang Instagram ni Sharon Cuneta na marami ngang cryptic messages post.

Sa batuhan ng comment, nalaman naming hindi lang basta nagbakasyon si Gabby, may show pala ito sa isang parte ng California at tila some of the population speak in Spanish, kaya nag-Spanish si KC. May mga sumagot din sa kanya in Spanish, kaya multilingual ang usapan sa comment box niya.

Ang ikinagulat namin ay ang request na sana, sina KC at Richard Gutierrez na lang. Hindi naman yata naging couple sina KC at Richard kahit nagtambal sila sa pelikula, kaya saan kaya galing ang request na ito?

Juliever, bibida sa countdown

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang headliners sa New Year Countdown ng GMA Network  na gagawin bukas, Dec. 31, sa SM Mall of Asia Grounds at Seaside Boulevard.

Headliner din si Christian Bautista at kabilang sa makakasama sina Sanya Lopez at iba pa.

Katulong ng GMA sa safety ng mga pupunta ang Philippine National Police at ipinauna na ng PNP at GMA na hindi papasukin ang mga lasing, nakadroga, may dalang droga at children below 3 feet tall.

Ang Kapuso Countdown to 2024 ay magsisimula ng 10:30 p.m. at magbubukas ang gate ng 4:30 p.m. pa lang, kaya maaga kayong pumunta.

vuukle comment

HERLENE BUDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with