^

Pang Movies

Lorna, self-care ang priority

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lorna, self-care ang priority
Lorna Tolentino

MANILA, Philippines — Tanong namin kay Lorna Tolentino nang maka-lunch namin recently.

Sagot ng actress na busy ngayon bilang juror sa Metro Manila Film Festival (MMFF). “Hindi. In love ako sa sarili ko.”

Talaga? “Oo sa ngayon.”

May bago ka bang manliligaw?

“Marami sila.”

Meron ka bang napupusuan?

“Kailangan kasi ‘di ba maraming checklist sa edad natin o edad ko lang? kailangan iche-checklist mo kung ano talaga ‘yung tama.” Nag-62 years old siya noong isang araw.

Ilan sa nanliligaw sa’yo ang pogi?

“Lahat. Totoo nga lahat. May kanya-kanya silang katangian.”

Anong ages?

“50s above, mid 40s, 60s.”

So anong mas gusto mo? Mas bagets o mas older?

“Alam ninyo huwag na kaya. Hindi ko nga gustong pag-usapan ‘yung personal na buhay ko tapos pag-uusapan. No, my private life should be private,” pabiro niyang sagot sa mga tanong naming mga ka-lunch niya na sina Nay Lolit Solis, Gorgy Rula, Pat-P Daza and Tet de Joya.

Sa ngayon daw ay ninanamnam niya ang nararamdaman niyang kaligayahan.

Pero happy ka ngayon na single?

“Yeah, oo. Masarap ang single, walang nagbabawal

Bakit ka kukuha ng sakit sa ulo ‘no.

Mas importante ang self-care, self-love that certain age talaga dapat ‘yun ang mangibabaw. Kapag kumuha ng boyfriend marami nang bawal,” sagot pa ni Ms. LT.

Sandali lang siya sa nasabing lunch dahil may Christmas lunch pa rin siya sa mga kasama sa FPJ’s Batang Quiapo.

Ang lakas ng dating ngayon ng loveteam nina LT at Sen. Lito Lapid. At may kissing scenes pa sila.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with