^

Pang Movies

Herlene, nagpaliwanag sa ‘hayok sa laman’

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Herlene, nagpaliwanag sa �hayok sa laman�
Rob Gomez
STAR/ File

Nagbanta si Herlene Budol na pwede niyang kasuhan ang taong nag-leak ng screenshot ng private conversation nila ng Magandang Dilag leading man na si Rob Gomez.

Nag-viral at naging kontrobersyal ang nasabing screenshot ng private convos nina Herlene at Rob na nilagyan ng malisya ng  netizens at na-bash siya nang bonggang-bonga.

Sa isang mahabang post ni Hipon Girl, sinabi niyang pati ang kanyang trabaho ay apektado na dahil sa isyung kinasasangkutan.

“Yung tahimik lang ako at kaliwa’t kanan babad ako sa taping. Yung d ako maka focus sa trabaho dahil sa issue ng mag jowa na may anak. Tapos malalaman ko nakaladkad na lang pangalan ko at binabash ako na wala naman akong ginagawa,” simula ni Herlene.

Ipinagdiinan ng comedienne/beauty queen na hindi raw siya hayok sa laman at galing man siya sa broken family ay pinalaki siya nang maayos ng kanyang lolo at lola.

“Opo, Squammy man ako sa paningin nyo. indi ako hayok sa laman. Produkto ako ng broken family. Pinalaki ako ng lolo at lola ko ng maayos.

“Yung batuhan ng mga script para pang kabisado sa mga linyahan ay nahaluan ng mga joke at one liner tulad ng salitang “Kain” ganyan na agad ang tingin nyo sa akin,” aniya.

“(Sumakay) lang ako sa mga joke dahil Komedyante ako kht alam ko finiflirt ako. Pero indi ako ganung babae sa mga binabatikos sa akin. FYI naka dalawang National pageant na ako marami nag propose ng indecent proposal sa akin ng malaking halaga. Pero inicip ko nasa maayos naman karera ko at gusto ko pinag hihirapan indi yung one tym big tym,” paliwanag pa ni Herlene.

Sa huli, aniya, “Besides, kung sino man nag labas na screenshot na yan ay pwede kong kasuhan ng Data privacy, defamation at cyber libel.”

Hindi naman kumbinsido ang netizens sa paliwanag at depensa ni Herlene at anila, sana raw ay hindi na lang ito nagsalita.

Marian, Ayaw Nang Magselos

Ipinahayag ni Marian Rivera na tapos na siya sa pagseselos sa mister na si Dingdong Dantes at hindi nga raw siya makapaniwala na nagawa niya ang mga bagay na ginawa noon dahil sa selos.

Nag-guest si Marian sa vlog ni Ogie Diaz at dito ay diretso siyang tinanong ng talent manager/vlogger ng “graduate ka na ba sa selos?”

Sagot ng Kapuso Primetime Queen, “parang oo. Simula noong nagka-dalawang anak ako, parang sabi ko nga, minsan nga napag-uusapan namin, ‘Ano ba yan, nyemas. Bakit ko ba ginawa ‘yan?’”

Ngayon ay malaki na raw ang ipinagbago niya.

“Lalong may dalawang anak ako. Palagi ko ‘yun sinasabi kay Dong. Parang ‘yung sa motherhood ko, ang laki nun’g binigay sa akin na pagbabago ng Panginoon talaga,” aniya.

Well, hindi naman lingid sa showbiz na selosa talaga si Marian noon pero sino ba naman ang hindi kung ganu’n kagwapo ang asawa mo,’di ba?

vuukle comment

MARIAN

ROB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with