^

Pang Movies

Sarah, may parinig sa 2 bagong tattoo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sarah, may parinig sa 2 bagong tattoo
Sarah Lahbati
STAR/ File

Tanong ng netizens, kung nagsasama pa kaya sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, papayag kaya si Richard na magpa-tattoo ang kanyang ex? Dahil ito sa dalawang tattoo na ipinagawa nito na parehong nasa likod niya.

Ang isang tattoo ay letters ZK na nasa batok ni Sarah na initial ng mga anak na sina Zion at Kai. Ang isa pang tattoo ay tattoo ng lotus flower na nasa right shoulder niya at parehong red ink ang ginamit.

Kaya nga ang tanong ng netizens, kung okay pa ang pagsasama nila, pumayag kaya si Richard na magpa-tattoo ang misis.

Ano sa palagay ninyo? May netizens na hindi rin na-appreciate ang pagpapa-ink ni Sarah at nag-comment na nagdadalaga raw ito.

Simple lang ang caption ni Sarah sa“ZK “lotus” at ang netizens na ang nagbigay ng meaning sa lotus tattoo nito. “This can represent a spiritual connection and the ability to overcome anything. Or, since the lotus grows in muddy water, some people also get it inked to represent their rise from hardships.”

Anyway, nakakabasa pa rin kami ng mga comment na sinayang daw ni Richard ang wife niya at may comment pang “Sarah Lahbati kill them with your success!  Keep shining.”

Sen. Win, walang planong kalasan si Bianca

Sorry sa mga nagwi-wish na maghiwalay o hiwalayan ni Sen. Sherwin Gatchalian si Bianca Manalo dahil sa controversy ni Bianca at Rob Gomez. Pinost ni Sherwin ang photos ng controversial two dogs ni Bianca at may caption na “Going so stay with Yaya Ellen for awhile because mommy is in Tokyo.”

Ang isa pang post ni Sherwin ay photo nila ni Bianca na naka-frame at Christmas gift sa kanila nina Sen. Sonny Angara at wife nitong si Tootsy Angara. Ang caption ng post ay “What a beautiful Christmas gift from @tootsyangara and @sonnyangara. @biancamanalo and I share the same values and principles in life. No fake news will divide us apart.”

Ayaw patalo ang netizens at dinare si Sherwin na pakasalan niya ito para patunayang mahal niya ito. Mayroon namang akala mo alam ang buong pangyayari at sinabihan si Sherwin na sa kadedepensa niya rito, nagmukha siyang kawawa. May unsolicited advice pa na “Please do not be blinded by love and leave your cheating girlfriend.”

Actually, aliw basahin ang comments, matatawa ka sa mga comment ng mga paladesisyon. Ang gusto ng karamihan maghiwalay sila, bakit?

Fans ng Dongyan, nanawagan sa mga sinehan

Hindi pala ang Firefly sa mga entry sa 2023 Metro Manila Film Festival ang may kokonti ang allocated cinemas dahil ang nasa listahan ay sa 25 theaters lang showing ang movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kaya nanawagan ang DongYan fans na dagdagan ang sinehan na paglalabasan ng Rewind.

Ang suhestiyon ng Kapuso fans, gayahin nila ang kanilang ginawa na nanawagan na dagdagan ang allocated cinemas sa Firefly dahil ngayon, sa 41 theaters na showing ang entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.

Sigurado namang madadagdagan ang cinemas for Rewind dahil bukod sa movie ito nina Dingdong at Marian, maganda ang review ng mga nakapanood sa premiere night.

Speaking of Dingdong and Marian, babalik ang comedy show nilang Jose & Maria’s Bonggang Villa, may season 2 ang comedy show sa GMA 7.

Ang sabi pa, sa January 2024 na raw ang premiere ng comedy show, pero parang malabo dahil hindi pa yata nagsisimula ang taping nito.

vuukle comment

BIANCA

SARAH

WIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with