Ysabel, kampante sa Gabi ng Parangal!
MANILA, Philippines — Si Ysabel Ortega ang isa sa excited sa ngayong taong Metro Manila Film Festival.
Kasama ang Kapuso actress sa entry ng GMA Films na Firefly na dinirek ni Zig Dulay.
First movie ito ni Ysabel na kasali sa MMFF kaya sobrang tuwang-tuwa siya sa pagpu-promote at na-experience na niya ang magparada.
Pinaghahandaan na rin niya ang isusuot niyang gown sa Gabi ng Parangal sa Dec. 27.
Kampante raw siya sa Firefly dahil napaka-positive lang daw ng mensahe nito at bagay para sa mga bata.
“Sobrang nakaka-relate ako dito na alam ko nung bata ako na-enjoy ko ang ganitong movie na ito. Even ngayon sa age ko ngayon nai-enjoy ko pa rin dito. Sa moms, nakaka-relate ako dito.
“For the whole family talaga siya. Sobrang natuwa ako talaga... at ‘yung animations, para kang nanonood ka ng ibang mundo,” pakli ni Ysabel.
Sana maiparating daw sa mga kabataan ang mensahe ng pelikulang ito.
“Ang mensahe po ng pelikula, walang tatalo sa pagmamahal ng nanay, and dapat po kayong maniwala sa sarili n’yo. Kasi kung naniniwala kayo sa sarili nyo, mas lalo silang maniwala sa ‘yo,” dagdag niyang pahayag.
Kaya idini-dedicate raw niya ang pelikulang ito sa kanyang mommy.
Samantala, sobrang tuwa rin ni Ysabel sa bagong business na binuksan nila kamakailan lang.
Finally ay natuloy na rin daw ang matagal nang pinaplano niya na bakeshop. Ito ‘yung Maria Ysabel’s Cakes and Pastries na matatagpuan sa Commonwealth, Quezon City.
Sabi niya, talagang naimpluwensyahan daw siya ng mommy niya sa pagbi-bake at pagluluto.
“Bata pa lang po ako, tinuruan na ako ng mommy ko paano mag-bake, paano magluto. So, super happy ako na naging part ako ngayon ng venture na ‘yun ng mommy ko,” sabi niya.
Pero ang gusto raw niya noon pa ay maging lawyer, kaya wala raw sa plano niya na pasukin ang pagnenegosyo.
”Hindi po talaga,” bulalas niya.
“Never ko dati ini-expect nung bata ako na mag-business ako. Kasi ang pangarap ko talaga ever since nung bata ako is maging abogada.
“Tapos, nung I had to stop for a while kasi naging busy ako sa work. Dun nagpasok ‘yung opportunity na makapag-business ako. ‘Yung Nailandia, ‘yun ‘yung first business ko. And after nu’n super na-enjoy ko. Tapos ‘yung mommy gusto rin niya mag-collaborate and mag-open ng business with me, and na-enjoy ko,” dagdag niyang pahayag.
Hindi pa rin naman nawawala ang plano niya na makapagtapos ng Law. Pero sa ngayon ay gusto raw muna niyang mag-focus sa kanyang pag-aartista.
- Latest