^

Pang Movies

Organizers, umaaray sa TF ng actor na biglang sikat!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Umaaray na ang event organizers at promoters sa talent fee ng isang biglang sikat na aktor kahit hindi marunong umarte, huh!

Kasi naman daw, kung dati ay hindi pa umaabot ang talent fee niya sa P50K per guesting o personal appearance, aba, ngayon daw, take it or leave dahil P500K na ang dapat ibayad sa kanya, huh!

Eh napareha kasi sa isang mas sikat sa kanyang aktres si biglang-sikat na male star. Akala ng namamahala sa kanya, sikat na sikat na ang artist nila!

So kung hindi kaya ang talent fee ni male star, huwag na at kung kaya naman, kinukuha nila sa event o out of town shows!

Pinairal ang pagiging professional

Umiral ang pagiging professional ni Vilma Santos Recto nang dumalo siya kahit naka-Zoom lang sa major pressccon ng festival movie nila ni Christopher de Leon na When I Met You In Tokyo.

Halatang may dinaramdam sa kalusugan si Ate Vi dahil halos mawala na ang boses niya sa kasasagot sa tanong ng media.

May kinalaman marahil ang sakit ni Ate Vi sa pagod sa promotions sa TV at mall shows ng movie. Aba, ngayon lang uli ginawa ito ni Ate Vi, huh!

Hopefully, ngayong araw na ito, Dec. 16, ay makasama siya sa Parade of Stars na iikot sa syudad na sakop ng CaMaNaVa, huh!

Kahit puwede namang hindi gawin ni Ate Vi ang sagarang promotions, ganti niya ito sa pagmamahal sa kanya ng fans at sa magandang treatment sa kanya ng producers ng movie na JG Productions. At namahala sa production na si Redgie Acuna Magno na talaga namang super asikaso ang lahat mula sa simula at pagtatapos ng shooting at promo ng When I Met You In Tokyo!

Get well soon, Ate Vi!

vuukle comment

VILMA SANTOS RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with