Jun Urbano at Manolo Favis, magkasunod na pinagluksa
Ano ba naman itong 2023, ang daming nagpaalam nang sunud-sunod. Noong Sabado sumakabilang buhay ang radio announcer na si Manolo Favis. Siya ay 84 na. Nakilala namin si Manolo Favis noong panahon siya ay nasa ABS-CBN pa. Tapos nalipat siya sa dzBB. Noong dumating ang pandemic at pinag-retire na ng GMA ang kanilang mga retireable talents dahil ibinawal din ang IATF ang paglabas ng bahay ng mga senior citizen nawala siya sa dzBB. Pero hindi siya lubusang nag-retire kung , di lumipat lang sa La Verdad ang istasyon ng radio ng Dating Daan.
Hanggang noong Sabado na nabalita ngang pumanaw na siya.
Nang sumunod na araw naman ang pumanaw ay ang kumedyanteng si Jun Urbano na mas kilala bilang Mr.Shooli. Ang boss ni Kuhol.
Si Jun ay isang matagumpay na advertising man manunulat, director at artista rin kagaya ng kanyang ama ang national artist for film na si Manuel Conde.
Kilala ang tatay ni Jun bilang tanging director at artistang Pilipino na nakapasok sa commercial theatre circuit sa buong mundo dahil naibenta niya ang kanyang mga pelikulang Genghis Khan at Siete Infantes de Lara sa kumpanya ni Howard Hugh na RKO na noon ay isa sa pinaka malaking kumpanya ng pelikula sa Hollywood.
Gamit ang halos surplus na equipment sa pelikula at ilaw lang ng mga kotse nagawa niya ang Genghis Khan na pinuri ng mga kritiko sa Hollywood at sinabing higit na maganda kaysa sa pelikulang ganoon din na ginawa ni Omar Shariff.
Nang lumabas sa telebisyon si Jun Urbano custome din ng Genghis Khan ang gamit niya bilang tribute sa kanyang ama na itinuturing na henyo ng pelikulang Pilipino. Namatay si Jun dahil sa aneurism sa edad na 84 din.
Mahaba na ang kanilang naging buhay. Bonus na ngang matatawag pero pareho silang malaking kawalan sa ating broadcast arts.
Walang makakapalit kina Manolo at Jun.
Kathryn, protektado pa rin si Daniel
Nagulat kami sa nakita naming live video kung saan nagkukuwento si Daniel Padilla nang kung anu-ano. Parang lasing o kung hindi man lasing ay animo’y naka-inom si Daniel at ilang ulit din niyang binabanggit si Kathryn.
In fairness kay Kathryn nang gawin niya ang announcement ng paghihiwalay nila, mahahalata mo binigyan pa rin niya ng repeto at proteksiyon si Daniel. Masakit iyon pero hindi siya naging bitter. Wala siyang isinumbat kay Daniel kahit na kahit ano. Wala siyang sinabing kapintasan ng aktor.
Ngayon baka pag nagkamali si Daniel hindi siya nakakasiguro na walang sasabihin sa kanya ang ex.
Baka isumbat pa sa kanya ang kanyang pag-inom sa kanyang condo at pakikitulog doon.
Ang nakakatawa may mga sumisingit ngayon, at hindi mo naman sila masisi. May sinabi si Ricci Rivero na “huwag ninyong idamay diyan iyong wala naman talagang kinalaman. Ako hihintayin ko kung sino ang “magkakalaman.”
“Baka isama ko pa siya sa washing machine,” sabi pa raw ng star cager.
Sino ang isasama niya sa washing machine? Sino ba ang nagmamalinis?
Si Andrea Brillantes na nadidikdik ngayon, biglang nakahanap ng escape goat at sinasabing ang syota niya ngayon ay si Elijah Canlas na kabe-break lang may Miles Ocampo.
Pero ito ang masakit na katotohanan, karamihan sa fans kampi sila kay Kathryn at mukhang ang maiiwan ay si Daniel.
Natural lang naman iyan, iyong babae ang mas kinakampihan ng fans.
Isang magandang halimbawa riyan ang isang dating sikat na female star nakuha niya ang simpatiya nang tao nang hiwalayan niya ang kanyang asawa, kaso nakapag-asawa siya ng hindi gusto ng fans, kaya bumagsak unti-unti ang kanyang career.
Aminin na natin, ang fans ay nabubuhay sa isang ilusyon.
Umaasa kaming hindi masisira nang tuluyan ang KathNiel.
- Latest