^

Pang Movies

Robi, nagpaliwanag sa ‘pag-unfollow’ kay Daniel

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

May komprontasyon palang naganap between Daniel Padilla and Robi Domingo tungkol sa kontrobersyal na follow-unfollow sa Instagram.

Matatandaang naging issue kamakailan na in-unfollow raw ni Robi sina Daniel at Andrea Brillantes na nilinaw na rin naman agad ng Kapamilya TV host at sey niya sa kanyang X (dating Twitter) account, wala raw itong katotohanan.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay nakausap niya si Robi at ayon sa TV host, nagkausap na sila ni Daniel tungkol dito nang magkita sila kamakailan.

“Nagbiruan lang kami, sabi niya sa akin, ‘in-unfollow mo ba ako? Galit ka sa ‘kin?’ Ta’s nagtawanan lang kami. Dahil for us, hindi issue ‘yun talaga, eh,” sey ni Robi.

To begin with, hindi niya talaga pina-follow si Daniel at ang katuwiran niya, fina-follow naman daw niya kasi ang girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

“So parang naka-package deal na silang dalawa,” aniya.

Paliwanag pa ni Robi, “ba’t ako maga-unfollow lalong lalo na, wala naman akong issue sa kanila. At saka, lalong-lalo na, lagi kami magkikita at magkikita.”

Kung may issue man daw ang KathNiel, sa kanilang dalawa ‘yun at hindi raw siya kasali. “Kung anumang merong nangyayari, it’s with them, not with me. It doesn’t concern me kasi okay kami. Okay na okay kami lahat,” sey ni Robi.

Okay na okay rin daw sila ni Andrea at nakatrabaho pa niya recently sa It’s Your Lucky Day.

Pero aminado siyang hindi niya rin pina-follow ang aktres sa IG kaya paano niya ia-unfollow. Noong una pa raw kasi ay hindi niya alam ang handle name nito na Blythe. Tulad din daw ni DJ na supremo_dp naman.

“It doesn’t mean na kung hindi ko sila pina-follow, hindi ko sila kaibigan. Parang for me, ‘yung relationship ko with them transcends ‘yung pagpa-follow-follow,” aniya.

Darren, may alam sa nangyari kina Kim at Xian

Aliw ang It’s Showtime last Tuesday kung saan ay guest si Darren Espanto at kinantahan niya si Kim Chiu ng Anong Nangyari sa Ating Dalawa.

Nasa ‘anong nangyari’ pa lang nga ang kanta ay nag-react na agad si Kim at pabirong sinakal si Darren.

Tawa nang tawa ang singer at niyakap si Kim.

Sigawan naman sa audience.

Sabi ni Ogie Alcasid, “ay, nagre-react ang madlang people!”

Paliwanag naman ni Darren, “hindi, ‘yun ‘yung theme song ng Linlang!”

Dagdag pa niya, “bat ang laki ng reaction ng madlang people?”

Tawa lang nang tawa si Kim at hindi na makapagsalita. Ang nasambit na lang niya, “bakit nandito si Darren ngayon?”

Hirit naman ni Ogie, “sandali, Kim, may alam ba si Darren?”

Iniba na ni Kim ang topic at naglaro na ulit sila sa segment.

As we all know ay may tsika ngang break na sila ni Xian Lim at hanggang ngayon ay wala pa silang paglilinaw dito. Basta ang sabi lang ni Kim nang matanong recently tungkol dito ay “sa amin na lang po ‘yun.”

Sa sagot pa lang na ito ng aktres ay lalong lumakas ang speculation na baka nga wala na sila ni Xi dahil hindi niya ito idinenay.

vuukle comment

ROBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with