^

Pang Movies

Alden at Sharon, may follow-up movie agad

Nora Calderon - Pang-masa
Alden at Sharon, may follow-up movie agad
Alden Richards at Sharon Cuneta

Napakasipag ng Asia’s MultiMedia Star na si Alden Richards.  Magtatapos na ang 2023 pero sunud-sunod ang mga project na ginagawa niya.

Kailan lamang ay nag-announce na ang GMA Network ng bagong historical drama na “Pulang Araw” na magtatampok sa kanya, kasama sina Sanya Lopez at BarDa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.  Nag-announce din ang Viva Films, Studio Viva at Myriad Entertainment na may gagawing  movie si Alden na makakasama niya sina Nicco Manalo, Joyce Ching at Heaven Peralejo.  At isa pang movie na magiging first directorial job na siya rin ang actor at producer, titled “Out of Order.”

Matapos ang mga sunud-sunod na block screen­ings ng “Five Breakups and a Romance” nila ni Julia Montes,  na almost all the screenings ay dinaluhan niyang lahat, ngayon ay nagsimula na sila ni Ms. Sharon Cuneta na i-launch naman ang  GrandKickOff ng #FamilyOfTwo ng coming Metro Manila Film Festival entry sa December.  Sa December 1 ang grand launch ng kanilang trailer exclusive sa TV Patrol.  May balita rin na may follow-up movie project na sila ni Sharon pagkatapos nito na hindi na sila gaganap na mag-ina at hindi rin lovers.

Ayon pa kay Alden, this November na siya magsisimula ng kanyang first directorial job dahil may story na sila, buo na rin ang casting kaya excited na siya.

Matupad kaya ni Alden ang Christmas vacation abroad niya with his family this year sa rami ng kanyang gagawin?

Last year kasi hindi nila nagawang magbakasyon sa US dahil sa rami rin ng trabaho ni Alden.

Mavy, may problema

Sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara naman ang balitang nag-break na rin at nalaman ito ng fans dahil sa mga Instagram post ng parents ni Mavy na nagpapakita ng suporta sa kanya.  Kapansin-pansin kasi na ilang linggo nang hindi napapanood na magkasama sa “All-Out Sundays” sa GMA ang dalawa, si Kyline ay present pero wala si Mavy na dati ay laging may special number sa show.  Totoo kayang si Mavy ang may problema?

Mukha namang going strong ang relasyon nina Cassy Legaspi at Darren Espanto, nag-guest pa si Darren sa “Sarap Di Ba?”  last Saturday.  Magkatambal din sila sa coming Metro Manila Film Festival entry na “When I Met You in Tokyo” na tampok sina Ms. Vilma Santos, Christopher de Leon at Tirso Cruz III.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with