^

Pang Movies

James at Issa, gimik lang ang breakup at pag-unfollow

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-unfollow na raw sa isa’t isa sa isang social media platform sina James Reid at Issa Pressman pero nang muli naming i-check ay naka-follow na ulit sila sa isa’t isa.

Marami nga ang nagtatanong, iyon daw kaya ang wakas ng sinasabing relasyon ng dalawa pero may mga nagsasabing gimik lamang daw nila ito para pag-usapan.

Hindi natin alam kung mabababawi pa ni James ang dati niyang popularidad, at kung mangyayari iyon, malamang matagal pa ‘yun.

Kailangan niyang makahanap ng makakatambal na kikiliti sa isipan ng masa, gaya ng naging tambalan nila noon ni Nadine Lustre, dahil kung hindi, patuloy na bababa lamang ang popularidad ni James Reid, at kung ang sarili niya ay hindi niya maiangat, sino pa ang maniniwalang magpa-manage ng career sa kanya?

I know ni Daniel, pinalaki sa social media

Isang simpleng “I know” lang ang sagot ni Daniel Padilla sa isang message na “Ganda ng girlfriend mo!” agad-agad kumalma ang kalooban ng kanilang fans.

Tuwang-tuwa ang kanyang fans, at last sa kanya na mismo nanggaling na girlfriend pa rin niya ang actress.

Ayaw silang tigilan ni Kathryn at itinuturo pang third party si Andrea Brillantes.

Kung sabagay, hindi mo rin naman masisisi ang nagkalat ng tsismis, kasi nga matagal na raw silang walang nakikitang pictures na magkasama ang dalawa.

Iyan ang problema sa mga may relasyon sa show business.

Mas mabuti nga siguro na panindigan nila ang kanilang relasyon. Mas mabuti nga siguro na pangatawanan nila iyong walang makikialam sa kanila at hindi sila padadala kung ano man ang sabihin ng ibang tao.

Janno, nag-walk out sa epal na vlogger!

Nag-react ang self-proclaimed motivational speaker / vlogger dahil kinuha raw siyang guest sa isang TV show, at nang magsisimula na ang kanilang taping, biglang nag-walk out ang isa sa hosts, si Janno Gibbs, dahil sinabi raw noon na kaibigan niya si Michael V at ayaw niyang makaharap ito na kung anu-ano ang sinabi noon laban sa komedyante. Maliwanag kasing sinabi nung vlogger na ang mga komedyante raw ay has been na at ang star ay sila nang mga nasa social media.

Hindi namin masisisi si Janno kung mag-walk out, karapatan niya iyon to express objections na guest nila ito.

Nangyayari iyan na hindi alam ng hosts kung sino ang makakaharap nila, at kung talagang hindi niya gusto ang kaharap niya, kaysa sa mabastos niya on the show, mas mabuti pa ngang mag-walk out na lang siya. Para kay Janno masasabing iyon ay “better judgment.”

Hindi lang ngayon iyan, marami pang mararanasang ganyan ang epal na vlogger lalo na mula sa mga taong sinagasaan niya noon.

Dapat talaga nakahanda siyang harapin ang bunga ng kanyang pinaggagawa at pinagsasabi noong araw laban sa mga legit na celebrity.

Ate Vi at Boyet, nabitbit ang ratings ng EB

Dalawang araw pa bago ang kanilang guesting sa Eat Bulaga, nagpapasahan na ng messages ang Vilmanians at kinukumbinsi nila ang kanilang mga kasamahan na manood ng show dahil guest nga roon sina Ate Vi (Vilma Santos) at Boyet (De Leon) para mag-promote ng kanilang pelikulang When I Met You in Tokyo.

Wala naman kaming inaasahang kakaibang epekto noon, pero nakakagulat talaga.

Mukhang napakarami pa rin yata talaga ng Vilmanians at ang suporta nila kahit na sa promo lang ng pelikula ay bumitbit sa ratings ng Eat Bulaga.

Silent lang sila, pero hindi maikaila ang katuwaan ng isang grupo, iyong VSSI na pinamumunuan ni Jojo Lim, dahil sila ang masigasig sa kampanyang panoorin ang promo nina Ate Vi.

vuukle comment

ISSA PRESSMAN

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with