^

Pang Movies

Direk Paul, mas abala sa career ni Toni!

Gorgy Rula - Pang-masa
Direk Paul, mas abala sa career ni Toni!
Paul, Polly, Seve at Toni

MANILA, Philippines — Nanatili pa ring tahimik si direk Paul Soriano pagkatapos lumabas ang balitang nag-resign na siya bilang Presidential Adviser on Creative Communications ng Malacañang.

Matindi rin ang mga pagsubok na hinarap ni direk Paul ngayong taon nang ipinagkatiwala sa kanya ang naturang position.

Siya kaagad ang pinupuntirya laban kay Pangulong Bongbong Marcos, dahil siya ang malapit na kamag-anak kay PBBM, lalo na kay First Lady Liza Araneta-Marcos, siya kaagad ang pinapansin at nakakasalo ng mga batikos mula sa mga kalaban sa pulitika.

Sabi ng ilang taong malapit kay direk Paul at ng asawa nitong si Toni Gonzaga, mabuti na rin daw na umalis na siya sa gabinete ni PBBM, para makapag-focus na siya sa kanyang pagbabalik pelikula, via his movie The Fisher na umani ng papuri sa nakaraang Tokyo International Film Festival.

Nag-leave si direk Paul noong July dahil sa pagbantay kay Toni na sobrang na-delay ang panganganak at itinuloy na niya sa resignation nung October.

Kasabay nito ay pinaghahandaan na niya ang theatrical release ng The Fisher at pagsali sa iba pang international film festivals.

Bukod sa pag-aalaga kay Seve at sa bunso nilang si baby Polly, nakaalalay rin si direk Paul sa vlog na Toni Talks ng kanyang asawa.

Sa loob ng isang linggo, umabot na ng limang milyong views ang interview niya kay Alex Gonzaga.

Nilinaw ng aming reliable source na walang problema si direk Paul sa mag-asawang Pres. Bongbong at Liza Marcos.

Hindi naapektuhan ng mga intriga at kung anu-anong isyu ang kanilang relasyon bilang pamilya. Sa katunayan, tuluy-tuloy ang kanilang komunikasyon at magkasama pa sina direk Paul at FL Liza sa pagbubukas ng isang dialysis center kamakailan lang.

Pero sa ngayon ay ayaw raw munang magsalita ni direk Paul kung bakit nag-decide na siyang mag-resign sa Malacañang.

Darating naman daw ang tamang panahong magbibigay siya ng pahayag, pero sa mas positibong bagay dahil may ilulunsad siyang isang malaking project, at gusto niyang ibahagi ito sa lahat.

Hindi naman daw talaga maiwan ni direk Paul ang showbiz at marami siyang ibabahaging tulong para sa ating entertainment industry.

Excited na raw siyang i-share ito sa lahat, kaya konting paghihintay na lang daw.

Hindi lang muna maidetalye sa amin ng aming reliable source kung ano ito.

Marami pa rin daw aabangan kay Toni na mga bagong nilulutong projects at kailangan din itong tutukan ni direk Paul.

vuukle comment

PAUL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with