^

Pang Movies

Mga pumanaw na haligi ng showbiz, inalala sa Undas  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga pumanaw na haligi ng showbiz, inalala sa Undas             
Ethel

Sa taong ito ay marami tayong nadagdag sa ating mga dapat alalahanin sa Araw ng Undas. Kamakailan lang ay yumao ang itinuturing na dekano ng mga entertainment journa­lists na si Ms. Ethel Ramos, nagsilbi siya bilang isang entertainment journalist at naging leader ng mga iyon sa loob ng mahabang panahon. Nakilala rin si Manay bilang isa sa pinakamahuhusay na PR practitioner at talent manager. Naging isang ma­tinding kalungkutan sa industriya ang kanyang pagpanaw.

Nauna pa nang kaunti kay Manay, pumanaw rin nang napakaaga ang isa sa mga pioneer entertainment reporter sa telebisyon. Siya ang itinuturing na nangunguna sa kanila, si Mario Dumaual. Kaya nga nang yumao si Mario, sinasabi nilang ang entertainment journalism sa telebisyon ay hindi na maibabalik sa gaya ng dati. Wala talagang nakahalili kay Mario.

Sa mga ganitong panahon, naaalala rin namin ang iba pang naging kaibigan namin sa show business na maagang kinuha ng Panginoon, kabilang na nga riyan ang aktres at producer na si Mina Aragon. Siya ang talagang nasa likod ng napakaraming box office hit movies, at sa kasikatan ng maraming artista. Nang mawala siya, wala na ring nakapalit sa kanya.

Gusto rin naming gunitain ang isang actor na naging malapit din sa amin in the past, si Alfie Anido, na pumanaw sa edad na 22 lamang at sa panahon ng kanyang kasikatan. May pelikula pang hindi natapos gawin ni Alfie noon kaya kailangan ang isang stand in.

Nito ring taong ito, ginulat tayo ng kamatayan ng isa pang actor, si Romano Vasquez, na napakabata pa rin nang bawian ng buhay.

Noong nakaraang linggo lamang, pumanaw rin ang sikat na radio DJ na si Ri­chard Enriquez.

Ilang taon na rin ang nakararaan, pumanaw na ang isa pang malapit na kaibigan namin, ang Master Showman na si Kuya Germs (German Moreno).  Pero si Kuya Germs, bago siya pumanaw ay nakapag-build up ng napakaraming mga sikat na artista hanggang sa ngayon. Matagal din namang namayani sa ratings ang kanyang GMA Supershow at That’s Entertainment, at ang ipinalit sa mga iyon ay hindi nakapantay sa inabot ng kanyang shows.

Marami na rin kaming naging kaibigan sa show business na pumanaw, iilan na lang yata ang natitira sa mga malalapit naming kaibigan. Ganoon pa man, kagaya nga ng kasabihan dito, “The show must go on.”

Benefactor, natipuhan ang kasama sa gay series ng actor

Ipinagyayabang ng isang male starlet ang isang gay series na kanyang ginawa sa kanyang benefactor.

Siya pa ang nagbukas ng internet para maipagmalaki iyon sa benefactor niya.

Kaso masama ang nangyari. Mukhang ang nagustuhan ng benefactor ay ang baguhan ding bida sa nasabing series, dahil bukod raw sa pogi ay napakalakas ng sex appeal.

Walang kamalay-malay ang male starlet na ipinagtatanong na ng kanyang benefactor ang bagets na mas malakas ang sex appeal, at malamang mapalitan siya noon basta nagkasundo ang dalawa.

Minsan mahirap iyong kung anu-ano ang ipinakikita eh, mas napag-iinteresan ang ipinakikita kaysa sa nagpakita.

UNDAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with