^

Pang Movies

Dasal ni Julia, sinagot ni Coco!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dasal ni Julia, sinagot ni Coco!
Coco Martin at Julia Montes

Para kay Julia Montes, answered prayer daw sa kanya si Coco Martin dahil ang aktor daw ang umalalay at tumulong sa kanya noong mga panahong ‘lost’ siya.

“Si Coco kasi, nagkataon nun’g time na lost ako as a person, siya ‘yung nag-guide sa akin, eh. Siya yung answered prayer ko na nu’ng mga time na, ‘Anong gagawin ko?’ Lost. ‘Di ko alam, kung anung-ano,” sey ng aktres sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano ng ABS-CBN.

“Tapos ipinakita lang niya sa akin na siya rin, been through all hardships. Tapos basta keep the faith and Nazanere devotee sila ni Lola.

“So, parang na-realize ko lang na ‘oo nga, ‘no, basta huwag ka lang gi-give up and keep the faith.’ Yun yung isa sa pinagpi-pray ko na in-answer ni Lord through Coco,” dagdag niya.

Sa naturang panayam ay in-address nga rin ni Julia ang tungkol sa pagiging low-key ng kanilang relasyon.

“Ang sa amin, mas importante lang sa amin ngayon yung privacy. Si Coco kasi, hindi showbiz, eh, ever since, hindi.

“Kung ano siya as Rodel (Coco’s real name) ‘yun din siya as ngayon, as Coco,” she said.

Kaya, pakiusap din niya, ibalato na lang sa kanila ang kanilang private life.

“So, parang yung private life, mas prefer ko lang talagang balato na. Balato na sa akin,” aniya.

Natanong nga rin kung hindi ba siya nagseselos at sey ni Julia, “nagseselos din ako, tao naman po ako. Pero maturity. Saka work is work.”

At wala naman daw siyang masasabi sa kabutihan at kabaitan ni Coco.

“Si Coco naman sobrang ano ‘yan na tao, sobrang mabuti, mabait, and wala akong masasabi, kaya wala, kalma lang,” saad ng aktres.

Joey, may pasaring sa copyright case

May bagong cryptic post si Joey de Leon sa kanyang social media page.

Nag-post si Joey sa kanyang Instagram ng larawan niya na nakatalikod at sa kanyang T-shirt ay mababasa ang quotation na “The beginning of wisdom is to call things by their proper name.”

Kasunod nito ay nakasaad din ang deklarasyon na “We are Eat Bulaga.”

Sa caption, sinabi ni Master Henyo na konting tiis na lang daw at looking forward na ang TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto and Joey) sa 50th anniversary nila sa pagho-host ng noontime show.

“We don’t COMPETE. Our aim is to COMPLETE 50 years of noontime hosting! Nearly 3 years to go if you include our participation sa Student Canteen. Counting tiis ngek, konting tiis na lang!—-TVJ,” saad ni Joey.

Ipinalagay ng netizens na ang post na ito ay may kinalaman sa pakikipaglaban ng TVJ na mapunta sa kanila ang rights ng pangalang ‘Eat Bulaga.’

“Haayy sana manalo kayo sa copyright case. Kayo naman talaga ang totoong @eatbulaga1979 eh,” komento ng isang supporter.

“Wow waiting for kami para maibalim po sainyo ang eat bulaga!!!” reaksyon naman ng isa pa.

“Aabangan namin to Kelan kaya iaannounce na EAT BULAGA,” sey naman ng isang netizen.

“Yessssss I can smell the victory here,” saad naman ng isa pang IG user.

vuukle comment

COCO MARTIN

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with