^

Pang Movies

Charice, ginagamit para sa Undas!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Charice, ginagamit para sa Undas!
Jake Zyrus

MANILA, Philippines — Nagulat kami sa picture ni Charice Pempengco.

Charice na siya ulit at babaeng-babae na ang ayos na kilala na ngayong Jake Zyrus.

Kagaya nga ng sinasabi ng marami noon, babalik at babalik din sa pagiging babae si Charice, dahil kung hindi siya ang mawawalan. Hindi naman siya tanggap ng tao bilang isang lalaki, tumubo man ang kanyang bigote at nawala ang kanyang dibdib, at nag-boses lalaki siya, pero ano ba ang naging pagtanggap ng publiko.

Pero ngayon may kumakalat na nagbabalik na siya sa pagiging babae, pero nag-post mismo ang nanay niyang si Raquel Pempengco na huwag na raw umasang babalik pa ang dating Charice.

At malamang sabi nga nila, kung babalik man si Charice baka kaluluwa na lang dahil Undas.

Maaalalang ibinaon na sa hukay ni Jake si Charice kaya inaalala na lang siya tuwing Araw ng Kaluluwa.

Sha/Gab, itutuloy sa pelikula?!

Ang naging tagumpay ng Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay nagbigay pag-asa na ang pelikula ni Sharon sa Metro Manila Film Festival.

Ang inaasahan siyempre nila ay malakas naman ang leading man niyang si Alden Richards. Talagang ang concert ang hinihintay na palatandaan kung mababawi pa kaya ni Sharon ang kanyang fans.

Napuno nila ang Arena, na ang audience ay 25K tao. Marami roon ang mga Sharon-Gabby fans pa rin at ang mga nag-usyoso kung ano nga ba ang love teams noong araw. Mukhang dahil sa response ng mga tao sa concert medyo mabubuhay naman ang pelikula ni Sharon sa festival.

Pero kung nagtagumpay man si Sharon, ang talagang winner ay si KC Concepcion. Kakaiba ang mukha ni KC habang kumakanta kasama ang nanay at tatay niya sa stage. Mahigpit din ang kanilang mga yakap at umiyak si Sharon, katunayan na mayroon nga silang misunderstanding ng anak.

Nang sumunod na araw at saka nag-post si KC sa social media at sinabi kung gaano siya kasaya sa nangyari, na kahit na ilang sandali lang ay nabuo ang tunay niyang pamilya.

Matatandaang tatlong taong gulang pa lang si KC nang maghiwalay sina Sharon at Gabby.

Huwag na nating ungkatin kung sino ang may kasalanan kanino. Ang mahalaga nagkaroon ng katuparan ang ipinagdadasal ng kanilang anak sa loob nang mahigit na tatlong dekada, ang mabuo ang kanilang pamilya kahit man lang ilang sandali.

Male star na ‘di sumikat, tumigil na sa pagraraket sa mga bakla!

Sabi raw ng isang pogi pero hindi sumikat na male star, “ayoko na ng sideline, nakakahiya na at saka may jowa na ako.” Mabuti naman kung tumigil na siya sa pagsa-sideline. Pero noong araw, kaliwa’t kanan din ang sideline ng male star na iyan. Wala na yatang bakla sa show business na hindi nakakaalam ng kanyang sideline, iyong iba nga lang hindi afford ang kanyang asking price. Pero si direk pinag-ipunan daw talaga si male star na hindi kasi niya nakuha sa pangakong, “I’ll make you a star.” Madalas na rin kasi iyong marinig ni male star noong una pa pero wala rin namang nangyari matapos siyang mahada.

Ang tsismis kasi pogi nga si male star pero ang kanyang kayamanan ay parang tsismis lang din, parang hindi totoo dahil halos hindi makita. Iyon na.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with