Cristine, libre nang pakasalan si Marco
Bagama’t sinasabing mukhang seryoso na ang relasyon nina Marco Gumabao at Cristine Reyes, at ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina ay mukhang pabor sa relasyon ng nakababatang kapatid may mga intriga namang hindi pabor doon ang mommy nila, dahil ramdam nitong napakabata ni Marco kay Cristine.
Sa kampo naman daw ni Marco, bagama’t tahimik lang, mayroon ding ayaw kay Cristine at ang dahilan naman ay may anak na iyon kay Ali Khatibi na siyang una noong naging asawa.
Bagama’t masasabing tapos na rin naman ang kanilang problemang legal at si Ali Khatibi ay may asawa na rin, mukhang hindi pa rin sila sold kay Cristine para kay Marco.
Luis, kinabog sa pakikisama si Vice!
May isang source na nagsabing baka kaya umurong sa pagbibigay ng ayuda si Vice Ganda sa ilang staff ng It’s Showtime dahil tuloy naman ang trabaho nila. At ang duda nila nakarating sa kanya ang sinasabi ng ibang staff at crew ng It’s Your Lucky Day na mas magaang kasama si Luis Manzano kesa kina Vice Ganda.
Marami ring feedback sa social media na mas mahusay si Luis kaya sana siya na ang maging host ng noontime show, na siyempre masakit para kay Vice dahil parang sinabi ngang laos na siya.
Sa ngayon ay malabo ‘yung mangyari dahil babalik na ang It’s Showtime at ang Lucky Day ay may posibilidad na ituloy pero sa afternoon slot na.
Ate Vi, ‘di nasunod
Napakagandang halimbawa talaga ng Star for all Seasons na si Vilma Santos.
Pinagbawalan ni Ate Vi ang kanyang fans na patulan pa ang mga ginagawang kantiyaw ng fans ng kalabang artista laban sa kanya.
“Masuwerte lang tayo. Salamat sa Diyos at sinuwerte tayong nakapasok, pero hindi na kayo dapat na makipag-away pa sa iba. Tapos na iyong panahon ng awayang ganyan. Dapat pa nga ipagdasal natin na sana ay magtagumpay din sila. Hindi man nakapasok sa festival, may ibang paraan pa naman para kumita, hindi lang sa MMFF,” sabi ni Ate Vi.
May clamor na ipalabas na sa sinehan ang Vi-Boyet (Christopher de Leon) movie nitong buwang ito, pero gusto ng producers na sumali sa festival, kaya sila ang nasunod. Hindi naman sila nagkamali dahil pumasok nga ang pelikula sa MMFF.
Sa MMFF, bukod sa kikita ay maaaring manalo pa ng awards at kung mangyayari iyon magiging mas madali ang pagpapalabas ng pelikula nila sa abroad. “Siguro kung dumating ang araw na maging producer na rin ako ng pelikula, masusunod na ang gusto kong playdate eh ngayon artista lang ako, ang magagawa ko lang ay gampanan nang mahusay ang role ko. Tama na iyon,” sabi ni Ate Vi.
- Latest