^

Pang Movies

Julia, mature ang atake sa relasyon

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Julia, mature ang atake sa relasyon
Julia
STAR/ File

Tama naman si Julia Montes sa kanyang paniniwalang kung magkakaroon man ng cheating sa isang relasyon, kailangang mapag-usapan muna iyon ng magkabilang panig, at kung maaayos pa, ayusin na muna para hindi mauwi sa hiwalayan. Sinabi pa niyang walang perpektong tao, at lahat naman ay nagkakamali.

Pagpapatunay lamang iyan ng matured outlook ni Julia sa isang relasyon. At ang mga taong ganyan ang talagang handa na sa isang relasyon.

Pero bakit nga ba ayaw pa nilang aminin ni Coco Martin ang kanilang relasyon?

Si Coco ay hindi naman isang matinee idol, talagang nakapuwesto na siya bilang isang action star, at ang mga action star, mag-asawa man ay ok lang dahil hindi naman sila tipong pantasya ng kanilang fans. Noon nga siguro uncertain pa ang career ni Coco, pero ngayong established na bakit hindi pa?

At, sayang kung makakawala pa si Julia.

Ricardo, malabo pang makalabas

Nakakulong pa rin sa Camp Karingal sa Quezon City ang actor na si Ricardo Cepeda matapos siyang arestuhin ng Quezon City CIDG sa isang event sa Caloocan noong nakaraang linggo. Idinawit si Ricardo sa isang kaso ng syndicated estafa, at ang masakit sa kasong iyan ay halos economic sabotage nga at iyan ay walang piyansa. Ibig sabihin kailangang manatili si Ricardo sa kulungan sa buong panahong dinidinig ang kaso. Makakalaya lang siya kung mapapatunayan sa hukuman na wala siyang sala. Eh sa tagal ng takbo ng kaso sa ating mga korte, hanggang kailan siya makukulong.

Minsan iyan ang hirap ng endorser ka, sasabihin kasi nila isa ka sa kumumbinsi sa kanila na sumosyo sa kumpanya kahit na hindi naman. Hindi ba ganyan ang balak noong una ng mga nagdemanda kay Luis Manzano, dahil sinasabing kaya sila nag-invest sa kumpanya ay dahil kay Luis. Mabuti na lang at may record na nauna roon, nagbitiw na si Luis sa kumpanya at nagharap pa ng request sa NBI na imbestigahan ang kumpanya dahil baka nga may anomalya. Kung hindi niya ginawa iyon, baka nasabit din siya sa ganyang kaso.

Kaya delikado rin ang pag-eendorso ng mga produkto. Noon may nangyari na ring ganyan sa isang artista. Endorser naman siya ng mga beauty product, nang ginamit iyon ng isang tao, nasira lalo ang balat na akala mo nalapnos. Idinemanda ang gumagawa ng beauty product pati na ang endorser. Matagal bago nakawala ang endorser, dahil maliwanag daw na kasabwat iyon sa panloloko dahil sinasabi niya sa mga diyaryo at telebisyon na mahusay ang beauty product at sikreto ng kagandahan niya na hindi naman pala.

Aktor, garapal ang pagbibilad ng katawan

May isang movie writer na nagpadala sa amin ng internet post ng isang BL starlet na halos hubad na at parang ikinukula ang kanyang katawan sa isang kama na mukhang kuha sa isang marangyang hotel. Ang tanong sa amin, “siya ba ang sinasabi mong suma-sideline?”

Kung ang nasa picture na iyon man ang natsismis na suma-sideline o hindi, bakit namin sasagutin. Ang tanong ay ano naman kaya ang motibo para mag-post siya ng ganoong picture ng kanyang sarili at aminin pa sa post na siya ay isang “horny person”? Hindi ba parang nag-iimbita siya ng mga would-be clients na magiging interesado sa kanya?

Baka nga nagpalit na sila ng style, kasi ang narinig namin noong una, tambay lang siya sa mga watering hole at kung may makakursunada sa kanya, sasama siya at “car fun” na silang dalawa. Minsan nga raw dalawa o tatlo pa ang kanyang ka-car fun. Ok lang sa kanya basta lahat sila magbabayad sa kanya. Pero kung tutuusin, balewala pa iyong picture niyang halos hubad sa kama, dahil may isang naging client niya na nagpakita sa amin ng pictures at video niya na hubo’t hubad, at may ginagawang milagro. Pero hindi na rin naman makakasira iyon sa kanya, dahil puro gay series ang ginagawa niya.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with