^

Pang Movies

Mga pelikula ng aktres, tinatanggihan ng mga sinehan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sino bang artista ang may pinakabulok na record sa takilya sa buong panahon ng Metro Manila Film Festival, ‘yung hawak niya ang bottom holder record?

Mayroon niyan pero hindi na lang namin babanggitin kung sino, kawawa naman dahil umaasa siyang makakasali sa MMFF ang isang pelikula niya.

Iyon lang ang pag-asa niya, may tatlo yatang iba pang pelikula niya ang tapos na pero hindi maipalabas dahil ayaw nang tanggapin ng mga sinehan dahil halos tiyak na malulugi lang sila.

Ipinagdarasal din naman naming makabangon pa ang kanyang career, sayang naman ang mga nakamit niyang karangalan kung mababansagan siyang reyna ng flop na pelikula.

Maine, matagal naging reyna ng mga hopya

May AlDub fans na hindi kumbinsido sa sinabi ni Alden Richards sa interview sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda na “nagkagusto” rin naman siya sa dating ka-love team na si Maine Mendoza.

Bilang ebidensiya, inilabas nila ang isang screenshot ng post ni Maine sa social media noon pagkatapos daw ng Tamang Panahon concert ni walang binabanggit si Alden tungkol doon, inamin ni Maine sa nasabing post na naghihintay siyang kausapin man lang siya ni Alden tungkol doon pero wala talaga. Ang nasabing post ay inalis din naman daw ni Maine matapos ang isang araw, dahil siguro nasabihan siyang maaaring makasira iyon sa kanilang love team, pero may fans pala na nakakuha ng screenshot at iyon ay kumakalat na muli ngayon sa AlDub Nation.

Ang sabi, sumuko na lang si Maine.

Hanggang duma­ting na sa buhay niya si Cong. Arjo Atayde. Matindi rin naman ang sinagupa ni Maine at ni Arjo sa fans.

Pero nilabanan iyon ni Maine, alam niyang masama iyon para sa kanyang career pero buhay niya iyon eh, after all hindi naman siya artista habang panahon.

Sa nangyayari ngayon, si Alden naman ang haharap sa banta ng AlDub Nation, ilalabas na ang pelikula niyang kasama si Julia Montes, na hindi lamang siya artista kundi isa rin sa producers ng pelikula.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with