^

Pang Movies

Kanta ni JK, nalampasan si Taylor Swift sa Spotify!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kanta ni JK, nalampasan si Taylor Swift sa Spotify!
JK

Ang bongga naman ng singer-actor na si Juan Karlos o mas kilalang JK Labajo dahil tumalon pataas ng halos 100 spots ang kanta niyang ERE sa Spotify global chart. Masasabing isa ito sa panibagong milestone sa mundo ng OPM.

Ayon sa chart data, ang kantang ERE ang pinaka-unang Filipino song na umabot sa Top 100 sa Spotify global chart na may 1.45 million streams, at nasa ika-87 sa chart.

Walang nag-akala na aakyat ito sa top 100 dahil nasa ika-177 ito bago umakyat na may 1.22 million streams.

Hindi lang ito ang na-break ni JK na record sa Spotify Philippines dahil bukod doon ay nalampasan din niya ang version na kanta ni Taylor Swift na Mine.

Siguradong maraming kababayan natin ang nasabik at natuwa para sa Senior High star dahil ang post na ito ng chart data ay umabot pa sa mahigit 1,000 reposts at mahigit 13,000 likes

Kaya naman inulan siya ng pagbati mula sa mga tagahanga at tagapakinig at inanyayahan ang mga kababayan natin na patuloy na i-stream ang kanta.

  

vuukle comment

JK LABAJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with