^

Pang Movies

Monster nina LT at Sylvia na pinuri sa Cannes, showing na sa bansa!

Joe Barrameda - Pang-masa
Monster nina LT at Sylvia na pinuri sa Cannes, showing na sa bansa!

MANILA, Philippines — Nakakatuwang pagmasdan na nagsanib-puwersa sina Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez at Ria Atayde na mamuhunan sa mga pelikula na binili nila sa Cannes Film Festival para mapanood ng mga kababayan natin dito sa Pilipinas. Isang pelikulang produkto ng Japan na hinangaan at pinalakpakan sa Cannes ang handog nila.

Ito ay ang pelikulang Monster na pinagbibidahan ng dalawang batang magkaibigan na dumanas ng bullying sa mga kaklase at habang pinapanood mo ay maaaliw ka sa naging relasyon ng dalawa hanggang sa huli ay may twist na ikaaaliw ng mga manonood. Dahil sa titulo ay iisipin mo na horror ang theme pero malayong-malayo.

Malaking tulong ang collaboration nila LT, Ibyang at Ria dahil binubuhay nila ang awareness ng mga kababayan natin na magbalik sa panonood ng sine bilang isa sa libangan ng mga kabataan at mailayo sa mga paggamit ng droga na isa sa malaking problema dito sa Pilipinas.

Ang Monster ay magsisimulang mapanood sa mga sinehan natin sa Oct. 11.

LA, naospital sa sobrang pag-internalize ng pelikula nila ni Maricel!

Hindi sukat akalain ng mommy ni LA Santos na pauunlakan sila ni Ms. Maricel Soriano sa pelikulang In His Mother’s Eyes na ipinagdarasal nila LA na makapasok sa upcoming Metro Manila Film Festival sa December.

Napanood namin ang trailer at hangang-hanga kami sa ipinamalas ni LA na nakipagsabayan sa galing nina Maricel Soriano at Roderick Paulate. Alam mong ayaw ni LA na mapahiya siya sa dalawang senior stars.

May insidente pa raw na sa sobrang pag-interna­lize ni LA ay sumama ang pakiramdam at kailangan siyang dalhin sa ospital. Ipinagmamalaki ng ina niyang si Flor ang ginawa niya rito at ibinuhos daw talaga ng anak ang kakayahan niya sa pag-arte.

Kaya wish namin na makapasok ito sa MMFF. Ito ang pagbabalik ni Maricel sa paggawa ng pelikula.

Alden, matagal nang pinangarap si Julia

Naiyak sina Alden Richards at Julia Montes sa presscon ng pelikula nilang Five Break-ups and a Romance dahil sa naramdaman nila sa shooting ng pelikula.

Aminado nga si Alden na hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga unang araw ng shooting niya. Hindi naman niya isinawalat ang dahilan. Taong 2012 pa pala ay pangarap na niyang makasama si Julia sa isang project kaya naman puring-puri nila ang isa’t isa.

Sa Oct. 18 natin mapapanood ang kanilang pelikula sa mga sinehan.     

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with