Iti…, inintriga ang pagpapalabas sa Oscars?!
Ginanap last Friday evening, Sept. 29, ang closing ceremonies ng ikatlong taon ng Philippine Film Industry Month (PFIM) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ng chairman-CEO na si Tirso Cruz III sa Grand Ballroom ng Acacia Hotel in Alabang at dinaluhan ng iba’t ibang luminaries ng industriya ng pelikulang Pilipino.
Sa pagtatapos ng PFIM (sa buwan ng September), ilang comedy icons ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pinarangalan at kasama na rito ang namayapang Comedy King na si Dolphy at ang present comedians tulad ng Tito, Vic & Joey, Vice Ganda, Michael V. at Eugene Domingo.
At during the event, inihayag ni Chairman Tirso Cruz III ang napiling pelikula para ilahok sa 96th Academy Awards sa Amerika sa darating na March 2024 ay ang animated Filipino film na Iti Mapukpukaw (The Missing) ni Carl Josephe Papa na tatanggap ng P1-M financial assistance mula sa FDCP. Ang nasabing pelikula ay naging kalahok sa recently-concluded Cinemalaya Independent Film Festival.
Ayon sa award-winning veteran writer-director at technical consultant ng FDCP na si Direk Joey Javier Reyes, dumaan umano sa isang masusing deliberasyon sa board ang pagkakapili ng Iti Mapukpukan, the very first Filipino animated film na siyang probable entry ng Pilipinas sa Best International Feature Film Category ng Oscars.
Base naman sa ibang observers, may mas magagaganda pa umanong iba pang pelikula ang mas deserving para isumite for the 2024 Oscars pero final na umano ang desisyon ng board.
Pops, ayaw patawag ng lola
Unknown to many, ang yumaong Queen of Intrigues (ng mga showbiz-oriented talk shows) na si Inday Badiday (Lourdes Jimenez-Carvajal) ang nagbigay ng titulong “Concert Queen” kay Pops Fernandez base na rin sa sunud-sunod na sold-out concerts nito sa Folk Arts Theater, ULTRA, Rizal Stadium at sa Araneta Coliseum during the `80s and the `90s. Tumatak kay Pops ang titulong “Concert Queen” at “Concert King” naman sa kanyang ex-husband na si Martin Nievera.
Halos lahat ng mga sold-out solo concerts ni Pops ay produced ng kanyang ina, ang dating aktres na si Dulce Lukban under her DSL Productions na ipinagpapatuloy ngayon ni Pops bilang concert producer.
Ang maganda pa kay Pops, isa rin siyang magaling na host na kanyang nakuha when she co-hosted with Martin the now-defunct late night musical variety show ng GMA noon, ang Penthouse Love kung saan nabuo ang love team nila ni Martin at kung saan din nagsimula ang kanilang pag-iibigan na nauwi sa kanilang pagpapakasal nung June 28, 1986 sa Santuario de San Antonio in Forbes Park, Makati City.
Ang dating mag-asawa ay nagkaroon ng dalawang anak na parehong lalaki, sina Robin at Ram.
Sa dalawa, si Robin ay malapit nang maging ama ng isang baby boy sa kanyang non-showbiz girlfriend kaya magiging lolo’t lola na rin sina Martin at Pops.
Ayon kay Pops, Lolli Pops umano ang kanyang ipapatawag sa kanya ng kanyang maging apo sa halip na lola or grandma. Hindi raw niya alam kung ano ang ipapatawag ni Martin sa kanilang magiging unang grandchild sa kanilang panganay na si Robin na nakatakdang isilang sometime in December or early January 2024.
Samantala, after 2006, balik-Viva si Pops matapos itong lumagda ng long-term management contract with Viva Artists Agency nung nakaraang Friday, Sept. 29, ng hapon in the presence of Viva big boss na si Boss Vic del Rosario at president ng VAA na si Veronique del Rosario-Corpus.
- Latest