^

Pang Movies

Kaya nabwisit...Kamikazee tinawag na driver ang gov ng Sorsogon!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tama ba ang nabasa naming P1.8 million ang talent fee ng Kamikazee sa dapat performance nila sa Casiguran, Sorsogon na hindi nga natuloy dahil pinauwi na lang sila ni Sorsogon Gov. Boboy Hamor. Hindi na binawi sa banda ang P1.8 million, kaya bayad ang parang pamamasyal lang nila sa Sorsogon.

Ang nabasa pa namin, bukod sa ayaw pumayag ng banda na mag-photo ops sa 16k blue roses, biniro pa ng banda ang Gobernador na para raw driver dahil laging white t-shirt ang suot. Heto pa, diumano, ayaw mag-CR ng banda sa public CR.

Naglabas ng saloobin si Jonathan Valdez, ang kumausap at nagdala sa Kamikazee sa Casiguran, Sorsogon at kinuwento sa Facebook na-stress siya sa banda.

Nakiusap na raw siya na bumaba ang banda kahit two minutes lang at sinabihan na singilin sa kanya ang additional fee pumayag lang sa photo ops, wala pa rin.

Dagdag pa ni Jonathan, muntik na siyang lumuhod sa kanyang pakiusap, pero deadma pa rin ang Kamikazee.

Ang payo ng netizens sa Kamikazee, ibalik ang P1.8 million dahil hindi naman sila nag-perform. Saka sa susunod, ‘wag na silang um-attitude lalo’t marami raw bago, mga bata at magagaling na banda ngayon.

Kasunod nito, may cryptic post si Jay Contreras ng Kamikazee at sabi lang, “I choose love.”

Naniwala ang mga nakabasa sa post na patungkol ito sa controversy sa Casiguran, Sorsogon.

Sam, nag-propose na kay Rhian

Ang sweet ng birthday message ni Sam Verzosa sa girlfriend niyang si Rhian Ramos na nag-celebrate ng 33rd birthday last Oct. 3.

Pinost ni Sam ang photos nila at saka ipinasok ang kanyang birthday message. “You make me complete in every sense.. Thank you for bringing so much happiness to my life.. thank u for making me better everyday and in every way.. lets keep on becoming the best versions of ourselves.. Im so proud of you!! Happy birthday my Booboo..”

Inaabangan ang sagot ni Rhian, pero two days before her birthday, may post ito ng photos nila ni Sam at sweet din ang caption na “Grateful for my rock thank you booboo. You’re my best friend.” Ang sagot ni Sam, “Mahal na mahal kita..”

Ang comment naman ng netizens, mag-propose na raw si Sam kay Rhian at magpakasal na sila at magkapamilya na. Isa pang matinding hiling ng netizens, ‘wag silang maghihiwalay.

Matindi rin ang request ng ibang fans kay Sam, kapag kasal na sila ni Rhian, ‘wag niya itong patitigilin sa pag-aartista dahil sayang daw ang husay nito kung kanyang patitigilin. Napanood kasi ng netizens ang Royal Blood at nakita kung gaano kahusay si Rhian sa role niyang si Margaret Royales.

Mark, suot pa rin ang singsing na bigay ni Kris

Nakita ng netizens, suot pa rin daw ni Mark Leviste ang ring na bigay sa kanya ni Kris Aquino, kaya may mga umaasa pa rin na maaayos nina Kris at Mark ang kanilang conflict at in the end, sila pa rin. Ito ay kahit sinabi na ni Kris na single siya and she is not into a relationship.

May nagpayo kay Mark na manahimik muna siya at hayaang mamatay ang isyu at kung puwede, ‘wag muna siyang magsu-socmed.

 May nag-comment naman na kung ayaw na ni Kris kay Mark, maghanap na siya ng iba, dito pumasok ang tsika na nagpapa-cute si Mark kay Sunshine Cruz na ikinadismaya ng mga nagro-root kina Mark at Kris. Nakapag-move on na raw si Mark, kaya mag-move on na rin sila.

vuukle comment

KAMIKAZEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with