^

Pang Movies

Bela, natanggap sa drama school sa London

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bela, natanggap sa drama school sa London
Bela Padilla

Sa wakas ay natupad na ni Bela Padilla ang hiling ng kanyang pumanaw na ama noong nabubuhay pa ito at ito ay ang makapasok siya sa Royal Academy of Dramatic Art ( RADA) na isang drama school sa London.

Sa kanyang Instagram Story ay ibinahagi ng aktres ang liham na natanggap mula sa RADA at siya ay magiging participant sa Advanced Scene Study for Actors.

Nakasaad sa letter na “Dear Bela, I am delighted to confirm that you have been accepted to participate in Advanced Scene Study for Actors.”

Sa caption ay sinabi niya na 2007 pa raw nang hilingin ng kanyang ama na i-try niyang makapasok sa nasabing prestigious drama school. “My dad told me to try and secure a place in RADA in 2007. Here I am 16 years later,” sey ng aktres.

Matatandaang pumanaw ang ama niya last August at inanunsyo ng aktres mismo ang malungkot na balita sa kanyang IG.

Derek at Ellen, gumagawa na ng Baby

“Healthy sex life” ang sagot ni Derek Ramsay nang tanungin siya ni Dra. Vicki Belo kung ano ang sikreto nila ng misis na si Ellen Adarna for keeping the marriage strong.

Natawa nang bonggang-bongga ang celebrity doctor sa sagot ni Derek pero seriously, sey ng aktor, isa raw sa malaking factor talaga ng success ng relationship ay respeto sa isa’t isa at ‘yung hindi tinutulugan ang away o hindi pagkakaintindihan.

Um-appear si Derek sa vlog ni Dra. Vicki dahil nagpagawa ng skin treatment ang aktor sa kanyang clinic and at the same time ay nagtsikahan na rin sila.

Inamin nga ng aktor na gusto na nga raw nila ni Ellen na magkaroon ng sariling anak.

“We’re trying to make a baby,” masaya niyang sabi.

He’s 47 now at sana raw, pagdating niya ng 48 ay may baby na sila ni Ellen.

Natanong siya kung boy or girl ba ang gusto niya at ani Derek, mas okay kung boy ulit, pero siyempre, okay rin daw kung babae.

“I really want a boy, but basta healthy...” sey niya.

Sa ngayon ay hands-on nga sila ni Ellen sa pagpapalaki kay Elias na as we all know ay anak ng kanyang wife kay John Lloyd Cruz.

Five years old na ngayon si Elias at pumasok na nga raw sa school this year at mukhang mas excited pa siya kaysa kay Ellen.

“He started school, today is his 2nd day of school so he’s really enjoying. We thought there’d be a little bit of drama, crying-crying but wala,”  kwento ni Derek.

Balak nga niyang gawing athlete rin si Elias na tulad niya paglaki nito. Sa ngayon daw ay sinasamahan siya nito araw-araw sa gym.

“When we were in Bali, every day, he promised me that he would work out with me, and he kept his promise. So, every day, he was in the gym with me, working out,” tsika ng aktor.

Halos every second nga raw ay kasama niya ang bagets and they do everything together.

“I also like to tease to make him like stronger coz there’s gonna be bullies there kasi in the school so you just tease so that he knows how to handle bullies,” he said.

 

 

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with