^

Pang Movies

Galanteng singer, nanlibre ng mga kasama sa tour

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tiba-tiba ang mga artist na sumama sa isang tour sa ibang bansa.

Aba, all expenses paid na ang gastos, may allo­wance pa sila sa shows na pinuntahan nila!

At heto pa. Nakasama nila ang isang galanteng female singer na maya’t maya ay nanlilibre sa kanila kapag nalalamiyerda sila!

Eh ang gamit ng singer eh ang kanyang credit card! Tapos kapag may gustong bilhin na gamit ang isang artist, pinagbibigyan naman siya basta babayaran lang ang singer, huh!

Ang sarap namang kasama ng singer na ito. Use today, pay later ang utang sa credit card nito! Napasigaw nga ang hindi nakasama sa singer sa lakwatsa ng, “Sana all!!!!”

Maricel at Snooky, natuloy ang banggaan

Magbabangaan sina Maricel Soriano at Snooky Serna sa isang ongoing series.

Si Snooky ang kontrabida sa mga bidang young star pero may teaser nang inilabas na papasok na sa series si Marya.

Of course, matagal nang nagkasama sina Marya at Cookie. Pero ngayon lang uli sila sasabak sa bakbakang tarayan!

At least, aktibong muli si Maricel at sa character na minahal siya ng tao muling masisilayan!

vuukle comment

MARICEL SORIANO

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with