^

Pang Movies

Kim, nagawang mag-isa sa BIYAHE para kay Bela   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, nagawang mag-isa sa BIYAHE para kay Bela                
Bella at Kim

Sobrang thankful si Bela Padilla sa BFF na si Kim Chiu na pumunta nang mag-isa sa Switzerland para bisitahin siya at para na rin damayan siya sa pagpanaw ng kanyang ama.

Matatandaang yumao ang ama ni Bela na si Mr. Cornelio Sullivan nitong nakaraang buwan.

Sa kanyang Instagram post ay ikinuwento ni Bela na nang pumanaw ang kanyang ama ay tinanong agad siya ng mga kaibigang sina Kim at Angelica Panganiban kung gusto ba niyang puntahan siya ng mga ito.

“When you can’t see the sun. Call your friends who radiate the same warmth”

“@chinitaprincess and @iamangelicap were my friends who immediately asked if I needed them here after I found out about my dad and I really appreciate them both so much ‘bat ako nateteary eyed magsulaaaat’,” ang simula ni Bela sa kanyang post.

Patuloy niya, hindi raw gusto ni Kim na nagta-travel mag-isa pero ginawa ng kaibigan just to be with her. “Kim, among the three of us, never really liked traveling alone, before…Not because she couldn’t do it, but because she always wants to share her happy memories with her friends and loved ones.

“So it must’ve been daunting for her to go cross country alone…but she did it to spend 24 hours with me…” ani Bela.

Sa video na ipinost ng aktres ay mapapanood ang ilang bondings na ginawa nila sa Switzerland kabilang na ang pagsu-swimming nila sa Lake Zurich at Limmat River.

“And I’m not only proud of her for doing that and so many other new things…(like swimming in Lake Zurich and the Limmat (river) and eating moules et frites…) I’m also extremely grateful,” saad pa ni Bela.

“Thank you Kimmy for being so warm and happy. For people who are actually used to being alone or travelling alone…Kim feels like home,” ang pasasalamat ni Bela kay Kim.

Sa comment section ay sumagot naman si Kimmy na naiiyak daw siya sa mga sinabi ni Bela.

“Bakit nakaka iyak???? love you momsy!!! Love you so much!!! We are forever TAUREAN TWINS!!!! love you for life!!!!!” komento ni Kim.

Makikita naman sa IG page ni Kim ang funny video ng pagsundo sa kanya ni Bela sa airport na habang nagtatatakbo silang dalawa palapit sa isa’t isa ay tumatakbo ring mag-isa palayo sa kanila ang kanyang luggage.

Ayon kay Kimmy ay dumiretso siya agad sa Switzerland pagkatapos ng kanilang ASAP in Milan show.

Sharon tanggap na dapat mauna sa billing si Gabby

Sa mga nagtatanong kung sino ba talaga kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang dapat mauna sa billing, nagbigay ng paliwanag dito ang Megastar.

Ayon kay Sharon, kapag concert, dapat daw ay una ang name niya since 12 years old pa lang ay kumakanta na siya at mas singer naman siya talaga.

Pero kapag pelikula, ibibigay niya raw ito kay Gabby since mas senior ang aktor sa kanya sa departamentong ito.

“Dapat pag may pelikula, una talaga si Gabby sa billing. Kasi it’s been Sharon and then him since Dear Heart. And I feel na he’s not happy with that. And rightly so.

“Pero sa pagkanta, Sharon muna. Kasi, 12 ako nag-start. Saka singer ako. So yun naman,” paliwanag ni Sharon sa mediacon ng Dear Heart reunion concert nila ni Gabby.

Dagdag pa niya, wala raw problema sa kanya ang billing nila.

“Wala akong problema dun. Diyos ko! I know my place in the business. Everyone knows what I’ve worked for, what I’ve arrived at, where I am. There’s nothing I have to prove but I need to give that respect to Gabby. It makes me happy. It will make me happy.

“Pero sa concert, una ako, ha? Kasi dun lang tayo sa totoo. Pero sa pelikula, ‘pag gagawa man kami, dapat talaga mauna siya sa billing. I want to give him that respect that he has long deserved,” she said.

Pero kapansin-pansin nga na sa poster ng “Dear Heart” concert nila ay nauuna ang pangalan ni Gabby kaya marami ring netizens ang nagtatanong kung sino ba talaga ang dapat mauna sa kanila.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with