^

Pang Movies

Bugoy pakakasalan na ang nabuntis nung menor de edad pa!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bugoy pakakasalan na ang nabuntis nung menor de edad pa!              
EJ at Bugoy

Engaged na ang dating child actor na si Bugoy Cariño sa kanyang long-time partner, ang volleyball star na si EJ Laure.

Naganap ang surprise proposal ni Bugoy kay EJ sa celebration ng 21st birthday ng former child actor last Sunday, Sept. 3 na ibinahagi ng celebrity couple sa kani-kanilang Instagram page.

Sa isang video ay mapapanood ang mismong proposal ni Bugoy at ang pagluhod niya sa harap ni EJ.

“Gusto ko lang sabihin at pagsigawan sa lahat ng mga kaibigan ko na nandito, kaya napaka-importante niyo sa akin, na itong babaeng ‘to, papakasalan ko.

“Itong babaeng ‘to, mamahalin ko hanggang dulo. Kaya maraming salamat sa pagpunta n’yo,” sabi ni Bugoy.

Pagkatapos ay bigla na lang lumuhod ang aktor and asked, “Ennajie Cruz Laure, mahal na mahal kita. Will you marry me?”

Nag-yes naman agad si EJ at nagpalakpakan ang lahat ng guests kabilang na ang pamilya at mga kaibigan na dumalo sa pagdiriwang.

Matagal-tagal na ring nagsasama sina Bugoy at EJ at katunayan ay mayroon na silang five-year-old daughter na si Scarlet.

Kim, may mensahe sa ‘pamilya’

May mensahe si Kim Chiu para sa kanyang It’s Showtime family matapos patawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang nasabing noontime show kung saan ay isa siya sa hosts.

“FAMILY! @itsshowtimena family mahal ko kayong lahat!!!!  ano man ang mangyari basta’t magkakasama tayo. Together as One! ang mensahe ni Kim na ipinost sa kanyang Instagram page.

Matatandaang noong Lunes, Sept. 4, ay naglabas na ng desisyon ang MTRCB hinggil sa reklamo ng mga manonood sa umano’y indecent act ng magkarelasyong Vice Ganda and Ion Perez sa Isip-Bata segment ng It’s Showtime noong July 25, 2023.

BUGOY CARIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with