^

Pang Movies

Jessica Villarubin, sumagot sa pananapaw!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sinagot ni Jessica Villarubin ang akusasyong sinapawan niya ang mga kasama nang kantahin nila ang Lead Me Lord sa burol ni Mike Enriquez. Bumirit kasi si Jessica at makikita sa video na sabay tumingin sa kanya sina Rita Daniela at Julie Anne San Jose, kaya nag-react na rin ang netizens.

Sabi ni Jessica, “Bago pa kami kumanta sa funeral ni Sir Mike ay pinaghandaan po namin ‘yun. Buong puso ko lang kinanta ang parte na binigay sa’kin. Andun po kami para magbigay-pugay kay Sir Mike. ‘Wag po sana natin bigyan ng ibang kahulugan pa.”

Kaya lang, sina Rita at Julie, tumingin nga kay Jessica, samantalang sina Hannah Precillas, Mariane Osabel at Thea Astley hindi tumingin nang bumirit si Jessica dahil na rin siguro sa nag-rehearse sila. Dapat pala sa rehearsal pa lang, sinabihan ng kanyang mga kasama si Jessica na alalay lang sa pagbirit. Dapat daw ipinaalala rito na burol ‘yun at wala sila sa All-Out Sundays o kaya’y nagpo-promote ng Queendom concert nila sa Dec. 2.

Radson, muntik maligwak  

Apo pala si Radson Flores ng may-ari ng Tipas Hopia, bakit ngayon lang natin ito nalaman kung kailan magtatapos na ang Voltes V: Legacy. Hindi na tayo makakahingi ng patikim na masarap nilang hopia.

Sa last mediacon ng Voltes V: Legacy, nakuwento ni Radson na muntik siyang mapalitan sa karakter niyang si Mark Gordon dahil yata sobra siyang mahiyain at kulang sa pakikisama sa ibang cast. Dahil doon, natuto siyang makisama at inalis ang pagiging mahiyain or else... ligwak siya sa series.

Isinaisip din ni Radson na siya si Mark kapag nasa taping siya at nakatulong din ang pagmo-motivate at encouragement ng mga kasama. Hanggang napansin niyang hindi na siya nara-rattle ‘pag veteran actor ang kaeksena. Hindi binanggit ni Radson, pero sina Gabby Eigenmann, Neil Ryan Sese, at Albert Martinez siguro ang tinukoy na magagaling na aktor at mara-rattle ka nga ‘pag sila ang kaeksena mo.

Tumatak sa isip ni Radson ang horseback riding scene niya at ‘yung camp fire scene nilang trainees pa lang. Hindi niya makakalimutan ang eksenang ito at nang mapanood niya, nakita niyang na-highlight ang personalities ng bawat character.

vuukle comment

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with