^

Pang Movies

Arnold, maraming iniluha sa pagpanaw ni Mike

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Arnold, maraming iniluha sa pagpanaw ni Mike
Mike at Arnold
STAR/ File

Isa si Arnold Clavio sa maraming iniluha sa pagpanaw ng mahusay ng radio / TV broadcaster na si Mike Enriquez.

Siya ang nauna naming minessage nung nakarating sa amin ang tungkol dito.

Grabe ang closeness nila noong-noon pa.

Aminado si Arnold na ito na ang kinilala niyang ama nang mawala ang totoong daddy niya.

Na aniya pati mga personal niyang problema ay inilalapit niya kay Sir Mike.

Nabanggit niya pa na nang napansin niya ang pagbagsak ng kalusugan nito, hindi niya raw ito tinigilan na sabihan na magpatingin na sa doktor kahit galit na galit na raw ito sa kanya.

Isa sa masaya nilang pagsasama ay sa SINO Blind Item segment nila sa kanilang morning radio program sa DZBB na kahit nakikinig ka ay matatawa ka na rin.

Marami pang kuwento ni Arnold sa mga pinagsamahan nila ni Mike.

Nakakaiyak pero dasal nito ang mapayapang paglalakbay ng tinuturing niyang ama.

Actress / beauty queen, tumaas ang tf sa personal appearance dahil sa social media

Milyon pala ang talent fee ng isang actress / beauty queen sa personal appearances niya.

Yea, ang dami raw sana ritong gustong kumuha dahil super popular nga at mahusay mag-host pero mahalya pala ang talent fee, milyon kaagad.

At may oras lang daw ‘yun ha, hindi naman whole day appearance.

Dahil talaga sa social media mas nagdagdag pa ng talent fee ang mga celebrity.

Lalo na kung pini-pick up pa ng ibang news website na mas pino-promote pa nila. Ayun na, mas tumataas pa ang value nila.

Ellen at Derek, sa values lang nag-a-align

Aminado si Ellen Adarna na super opposite sila ng mister niyang si Derek Ramsay. “Actually dai. Derek and I are complete opposites. Personalities, opposite. “

“His interests are not my interest and vice versa.

“But I think ahh what’s really aligned are the values. So there. Yeah, only the values,” pahayag ni Ellen nang tanungin sa kanya : ‘name 3 things you and Derek appear to have in common?’

Tatlong pinoy na nakapagpundar ng mga kainan sa Australia, itatampok ni Karen at Migs

Masarap na kwentuhan tungkol sa pagkain ang dapat abangan ng viewers dahil itatampok nina Karen Davila at Migs Bustos ang tatlong Pilipino na nakapagpundar ng sariling restaurants sa Australia sa My Puhunan ngayong Linggo (Setyembre 3).

Kikilalanin ni Karen si Will Mahusay, isang Pinoy na higit na tatlong dekada nang naninirahan sa Australia. Dahil na-miss na niya ang lechon na paboritong pagkaing Pinoy, naisipan niyang gawin itong negosyo sa pamamagitan ng “Sydney Cebu Lechon” restaurant.

Samantala, itatampok naman ni Karen si Kim Cudia, na mula sa Canberra, na gumamit naman ang puhunang 50 Australian dollars o halos dalawang libong piso para sa negosyong ensaymada. Hindi niya inakala na mapapalago niya ang simpleng puhunan. Ngayon, mayroon na siyang “Lolo and Lola” restaurant, kung saan abot 200 hanggang 300 katao ang bumibisita kada araw.

Bibisitahin din ni Migs si Ross Magnaye, na taga-Melbourne, na hindi rin inakalang magiging chef siya sa Australia. Si Ross, na sumali rin sa MasterChef Australia, ay may-ari na ngayon ng “Serai” na kinilala bilang “Restaurant of the Year” at “Best Casual Dining Venue” ng Time Out Magazine.

ARNOLD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with