^

Pang Movies

Lovi, kinasal na!

Dianne Canlas - Pang-masa
Lovi, kinasal na!

Kahapon daw ginanap ang kasal ng Batang Quiapo actress na si Lovi Poe sa foreigner boyfriend niyang si Monty Blencowe.

Base na rin sa post ng Metro Magazine ay kahapon nagpalitan ng “I dos” ang magkarelasyon.

“Today, #LoviGoesFullMonty.
“From a chance encounter to a surprise engagement, now they’re ready to exchange “I dos”

Wala pa kaming nakikitang wedding photos habang sinusulat namin ito pero ibinahagi ng aktres sa kanyang post ang litrato ng Cliveden House sa Taplow, Berkshire, England kung saan ginanap ang seremonya.

Ayon sa kolum ni Gorgy Rula, base sa research ng PEP.Ph, nagkakahalaga raw ng mahigit P45K ang Club room hanggang sa The Spring Cottage na mahigit P160K per day naman. Kaya siguradong milyun-milyon daw ang ginastos sa kasal nila.

Makikita sa Instagram Stories ni Lovi ang mga preparas­yon sa kanilang kasal.

Present din ang pamilya nila Sen. Grace Poe kasama ang kanyang anak na si Brian Poe kung saan makikita ang litrato nila sa Story na ni-repost ni Ron Poe, na isa rin sa anak ni FPJ o Fernando Poe Jr.

Isa rin si Dra. Vicki Belo sa imbitado sa kasal na inaming matagal nang excited sa wedding ng dalawa na matagal ding naging top secret. Caption niya sa kanyang Story, “we love you guys so much, @lovipoe @montyblencowe! Thank you for letting us be part of your super special top secret wedding”

Kaya naman inaabangan ng fans ang mga litrato sa kasal ng ngayon ay Mrs. Lovi Poe-Blencowe na.

vuukle comment

LOVI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with