^

Pang Movies

Vice, nagsalita sa pagbitaw kay Awra!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice, nagsalita sa pagbitaw kay Awra!
Vice Ganda at Awra Briguela

Si Vice Ganda pa rin naman pala ang talent manager ni Awra Briguela at hindi totoo ang mga kumakalat na tsika na binitawan na niya ang Kapamilya teen œstar matapos masangkot sa isang gulo sa Makati last June.

“Yeah, she still is my talent,” pagkumpirma ni Vice Ganda tungkol kay Awra sa panayam sa TV Patrol.

Aniya pa, nagtataka nga raw siya kung saan nanggagaling ang tsikang binitiwan na niya si Awra dahil for one ay wala naman daw nagtatanong sa kanya or nag-i-interview tungkol dito.

“No one asked me. I was not interviewed by anyone so nagtataka ako kung saan nila nakukuha ‘yung tsikang iniwan ko si Awra. Na-interview ba nila si Awra?” aniya.

“Kasi si Awra cannot be interviewed by anyone, bawal kasi siya ma-interview,” dagdag pa ng TV host/comedian.

“Kaya grabe talaga ‘yung clout chasing, ‘yung para magamit ‘yung pangalan ko, magamit ‘yung pangalan ni Awra,” sey pa niya.

Nang tanungin kung kinausap ba niya or pinagalitan si Awra, ani Vice. “pinagpahinga ko muna siya ng ilang araw, hindi right away. Para mahimasmasan. Tapos ako din, papahupain ko kasi siyempre galit din ako, mainit din ang ulo ko.”

Kaharap ang ama ni Awra ay kinausap daw niya ang alaga.

“’Yung usapan na ‘to, everything is coming from concern and love and support,” she said.

Pero tumanggi munang magsalita si Vice tungkol sa mga isyung kinakaharap ng alaga pero sinigurado niyang hinding-hindi niya iiwan si Awra sa panahong ito.

“’Yung mga issues na ‘yan, hindi ko na muna ita-tackle. Bahala na ‘yon. Pero ito lang ang gusto kong klaruhin. Hindi kami naghihiwalay ni Awra. Hindi ko siya iiwanan lalung-lalo na sa posisyong ito ng buhay niya, she needs guidance and I will be there for her,” paniniguro ni Vice.

Tungkol naman sa kalagayan ni Awra ngayon, sey ni Meme, “she’s okay and she’s trying to be better each day.”

Ano ang pangaral na ibinigay niya kay Awra?

“Wala na tayong magagawa, nangyari na ‘yun, ‘di ba?  Magsisisihan pa ba tayo? Magmumurahan pa ba tayo? So, what can we learn from this especially you? What can you learn from this experience? How can this experience strengthen you as a person, as a human being and empower you as a person? What can you learn from this? How can this experience make you a better person?” saad ni Vice.

Rocco, na-scam sa negosyo

Tulad ng kanyang karakter sa suspense-action drama series na The Missing Husband na nabiktima ng investment scam, sa totoong buhay ay naranasan na rin daw ito ni Rocco Nacino.

Ayon sa aktor sa digital mediacon para sa nasabing serye, na-scam daw siya noong binata pa siya at wala pang kaalam-alam tungkol sa mga negosyo.

“Nangyari na once and maraming attempts din na mahanap ‘yung tao but then, to no avail. Before magbigay ng tseke, laging nagpa-follow up kung tuloy pa ba,” tsika ni Rocco.

“So, may sinabi si Joross (Gamboa, kasama rin sa cast) about having something na ‘too good to be true.’ So, kahit ang dali lang sabihin, ang dami pa ring nasisilaw sa ganyang salita,” dagdag pa niya.

Marami pa rin daw talaga hanggang ngayon ang nabibiktima ng investment scheme na ‘get rich quick’ although may iba naman daw na legit naman.

“And sa case ko na akala ko, investment lang, babalik ang pera, wala na akong narinig pa do’n sa tao na ‘yon,” he said.

Ang magagawa na lang daw niya ay mag-wish na maibalik pa rin sa kanya ang na-invest na pera.

“Pero naniniwala naman ako sa karma and babalik naman ‘yun in some other way. Sa ngayon ay magtrabaho nang maayos para malinis ‘yung pera na natatanggap,” he said.

Noong time na ‘yun ay wala pa raw siyang kaalam-alam sa business at madaling na-convince. Ngayon daw ay hindi na siya ganu’n.

“Ngayon, matinding research muna ang ginagawa ko at marami akong kinakausap muna bago tumuloy sa isang investment,” sey ng aktor.

Anyway, kakakaiba na naman ang kwento ng bagong GMA 7 series na ito dahil tatalakayin nito ang usong-uso at maraming nabibiktimang investment scam.

Rocco plays the lead role habang si Yasmien Kurdi naman ang lead actress at gumaganap na asawa ng karakter ni Rocco. Mula sa direksyon ni Mark Reyes, magsisimula na ito ngayong Aug. 28, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime and Pinoy Hits. Kasama rin sa serye sina Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, Nadine Samonte at marami pang iba.

vuukle comment

AWRA BRIGUELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with