^

Pang Movies

Jolo at Angel, nakababae!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jolo at Angel, nakababae!
Jolo Revilla at Angelica Alita

Cong. Jolo Revilla and wife Angelica Alita are expecting a baby girl!

Nagkaroon na nga ng gender-reveal ang mag-asawa last Sunday na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa Instagram Story ni Jolo ay ibinahagi niya ang mga videos sa naganap na gender-reveal kabilang na ang mismong announcement part.

Mapapanood sa video na nagkaroon muna ng countdown at pagkatapos ay biglang may lumabas na pink smoke and confettis na senyales na girl ang gender ng first baby nina Jolo at Angelica.

Deklara ng host, “it’s a girl!” at masayang nagyakap ang mag-asawa

Matatandaang inanunsyo ni Jolo ang pagbubuntis ni Angelica nitong first week of August after more than 3 years of being married.

Sa ngayon ay malapit nang matapos si Angelica sa kanyang first trimester ng pagbubuntis.

Ruru, naaksidente na naman

Nagkaroon na naman pala ng injury si Ruru Madrid recently habang gumagawa ng kanyang fight scenes. Ibinalita niya ito sa kanyang Instagram followers at ibinahagi ang therapy na isinasagawa sa kanya.

Ayon kay Ruru, nagkaroon siya ng Acute Ligamentous Injury sa kanyang right knee.

“Getting stronger everyday! 

“I love doing my own stunts and fight scenes pero syempre hindi maiiwasan ang aksidente. I just had another injury (Acute Ligamentous Injury) sa right knee,” kwento ni Ruru sa caption.

“That’s why I decided to get a PT (Physical Therapist) Coach @josephsantosii para mas maging matibay at handa ang katawan sa lahat ng eksena na kailangan gawin,” patuloy niya.

Pinaalalahanan din ni Ruru ang kanyang followers na pangalagaan ang kalusugan.

“Health is wealth, kaya pangalagaan natin ang ating mga katawan para sa ating kinabukasan!” aniya.

Hindi na sinabi ni Ruru kung anon’g fight scene ang kanyang ginagawa at kung para saang proyekto pero sa kasalukuyan ay puspusan ang kanyang taping  para sa  bago niyang action-packed series sa GMA-7 na Black Rider kasama sina Matteo Guidicelli at Yassi Pressman na malapit na ring mapanood.

Matatandaang last year ay nagkaroon ng foot injury si Ruru habang ginagawa naman ang pinagbidahang action series din na Lolong.

vuukle comment

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with