^

Pang Movies

Jennifer Lopez, kinaiinggitan sa massive na collection ng Hermes bag

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jennifer Lopez, kinaiinggitan sa massive na collection ng Hermes bag
Jennifer Lopez

Marami ang maiinggit kay Jennifer Lopez dahil sa kanyang bonggang Birkin Bag collection.

Bukod kasi sa lahat ng kulay ng Birkin ay meron siya para mag-match sa kanyang isusuot, pati sa kanyang pag-workout at pagpunta sa beach ay may matching Birkin Bag siya.

Ayon sa W magazine, isa si J.L-o sa may-ari ng mga rare editions ng Birkin Bags at ang hirap daw hulaan kung magkano ang value ng kanyang mga bag dahil tumataas daw ang presyo ng Birkin depende sa edition nito.

Ang first Birkin ni J.Lo ay cognac crocodile edition na dala niya sa Italy noong 2008. Regalo raw iyon ng kanyang ng ex-husband niya niyang si Marc Anthony.

Sa mga sumunod pang mga taon, nadagdagan ang Birkins ni J.Lo. Nagkaroon siya ng classic white version, red croc, new grey, black and original brown crocodile version, green, mint green, rawhide leather, at ang rare original Himalayan crocodile Birkin na ang halaga ay $450,000.

Meron ding Hermes Kelly Osier Wicker Bag si J.Lo na gamit niya sa kanyang mga casual events. Ang halaga nito ay umaabot sa $53,000.

Kapuso balladeer napisil na Beast

Lumipad na pa-Guam si Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden noong nakaraang August 11 dahil kabahagi siya ng malaking cast ng Beauty and the Beast: The Broadway Musical na produced ng World Theater Productions.

Gagampanan ni Garrett ang role bilang ang Beast sa stage adaptation ng classic tale.

 Inamin ni Garrett na nahirapan siyang mag-rehearse on his own, pero naging malaking tulong daw ang naging script readings kasama ang co-stars niya via Zoom kahit na magkaiba ang time zones nila.

Ito ang second musical na nakasama sa cast ang The Clash season one finalists. Noong 2022, nakasama siya sa Guam production of Miss Saigon as John Thomas.

Noong nakaraang June in-announce ni Garrett via Instagram ang pagsali niya sa ng Beauty and the Beast: A Broadway Musical.

Lovely tuloy ang pagbibigay ng seminars sa mga online seller

Malapit na ring isilang ni Lovely Abella ang first baby nila ni Benj Manalo. Kelan lang ay nagkaroon ng maternity shoot si Lovely na pinost niya sa Instagram.

 Naikuwento ni Lovely na naging maselan ang pagbubuntis niya kaya sa first and second trimester ng kanyang pagbubuntis ay sinabihan siya ng kanyang doktor na huwag magkikilos masyado at mas makakabuti raw ang bedrest.

Excited si Lovely na makita na ang baby nila ni Benj.

Noong January nila in-announce na magkaka-baby na sila after nilang ikasal noong January 2022.

Noong magkakilala sina Lovely at Benj, may kanya-kanya na silang anak mula sa mga dati nilang karelasyon. Si Benj ay isa sa mga anak ng komedyanteng si Jose Manalo.

Naging inactive pareho sa showbiz sina Lovely at Benj dahil maging succesful ang kanilang online business. Nakapagpatayo sila ng building at isang mall kung saan nagbibigay sila ng seminars at pagturo kung paano maging mahusay na online seller.

 

vuukle comment

JENNIFER LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with