^

Pang Movies

Hunk actor, nakakapangabayo sa lugar ng mayayaman dahil sa matrona

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagdududahan ang dating hunk actor na ito kung sino ang mayamang sponsor niya kaya nagagawa niya ang lifestyle ng mga rich and famous.

Hindi na ganun kabata si dating hunk actor, pero matikas pa rin at na-maintain ang angking kakisigan.

Ang latest na narinig namin, merong super yamang matrona na sumusuporta dito kay dating hunk actor, kaya living in style siya.

Nagulat ang ilang lehitimong mayaman, bakit nagkaroon siya ng kabayo sa isang exclusive membership club gayung hindi naman siya member nito.

Meron silang pinagdududahang super yamang matrona na dyo­wa-dyowaan nito kaya nakakapasok sa membership club na ‘yun at nakakapangabayo siya sa lugar na ‘yun ng mga mayayaman.

Ang isa pang ikinuwento ng aming reliable source, ayaw na raw ni dating hunk actor sa mga mayayamang bading, dahil naibibigay naman ng mga babae ang gusto niya.

Kaya graduate na raw siya sa mga mayayamang bading. Pangmayayamang matrona na siya dahil mas generous pa raw ito.

Gina, muntik lumayas ng bansa

Kakaibang pelikula ang gagawin ni direk Gina Alajar na ididirek ni Adolf Alix. Karnabal ang title ng pelikula, kaya sa nakaraang story conference nito ay inihalintulad ang buhay ni direk Gina sa isang karnabal na inamin niyang muntik na rin daw siyang mag-quit sa showbiz.

Ayaw na niyang idetalye kung ano ang dahilan, pero dumating na raw sa puntong nagpaalam na siya sa mga boss niya, at mag-eempake na raw sana siya papuntang Amerika.

Pero malaking bagay ang pagkilala niyang ang Panginoon na lang ang tangi niyang sandalan.

“Ang unang-una kong ginawa, to turn to God and ask for strength, and ask to get me out of that karnabal na kisasadlakan ko, para maalis niya ako and to remove the pain, to remove the hurt sa buhay ko.

“And He did. Until now, Siya pa rin. Siya pa rin ang guide ko, Siya pa rin ang puntahan ko kapag merong hiling sa lahat ng panahon ng buhay ko.

“Hindi lang kapag may problema ako. Kahit masaya ako, I’ve learned to trust in God, to thank Him more sa mga blessings, sa grace na ibinibigay Niya sa akin,” saad ng premyadong aktres.

vuukle comment

RICH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with