^

Pang Movies

Kahit bata pa lang nung nag-artista Sunshine, inaming nagkaroon din ng social anxiety!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kahit bata pa lang nung nag-artista Sunshine, inaming nagkaroon din ng social anxiety!
Sunshine Dizon

Naging emosyonal si Sunshine Dizon sa buong panayam niya sa programang Tao Po hosted by Bernadette Sembrano habang ikinukuwento niya ang kanyang mabigat na pinagdaanan lately kabilang na ang pagpanaw ng kanyang ama nitong nakaraang Marso.

Napag-usapan din nila ang mental health struggle ng aktres matapos niyang ma-diagnose ng post-traumatic stress disorder (PTSD), major panic disorder at social anxiety disorder last year.

“After the pandemic, I started showing symptoms, physical symptoms. My hands would shake, I would be very nervous, and sometimes I can’t breathe like para ‘kong natso-choke,” pagtatapat ni Sunshine.

“Surprisingly, sa tagal ko sa showbiz, nagkaroon din ako ng social anxiety,” dagdag niya.

Inamin ng award-winning actress na sumailalim siya sa therapy and medication.  “Sabi ko, tama na ‘yung taboos. I don’t wanna be just another number. And I hope, parents now will be open to it,” aniya.

Aminado rin siyang may mga bagay na hindi pwedeng idaan lang sa pag-uusap kungdi kailangan na talagang uminom ng gamot.

“Maraming bagay na hindi lang nakakaya ng usap lang. May mga bagay po na kailangan na rin talaga, kung kailangan na talaga maggamot. Like me,” she said.

Ang bagay na ito ay hindi raw niya itinago sa kanyang mga anak.

“So that they know, just in case na meron silang mga bagay na hindi naiintindihan sa buhay at bakit sila nagkakagano’n, hindi sila mahihiyang magsabi sa akin na ‘Ma, kailangan ko ng tulong,’” aniya.

LJ, nagpaulan ng kilig

Inulan ng katakut-takot na positive comments ang ibinahaging mga prenup photos ni LJ Reyes with fiancé Philip Evangelista.

Ipinost ng Nice Print Photo ang mga nasabing larawan sa kanilang official Instagram page at ini-reshare naman ni LJ sa kanyang IG account.

“In God’s most perfect time Counting the days til she becomes Mrs Philip Evangelista and @lj_reyes New York Esession,” ang caption ng mga larawan.

Makikita sa mga photos na ang ganda-ganda ni LJ, blooming at fresh na fresh.

Halata ring ang saya-saya niya ngayon at malayo sa LJ na umalis ng ‘Pinas noong 2021 na wasak na wasak ang puso.

Pati ang mga netizens at mga kaibigang celebrities ng aktres ay masayang-masaya para sa kanya.

May isang netizen na nagkomento na kaya raw pala nasaktan si LJ ay para makapunta sa New York at makahanap ng tamang tao para sa kanya.

Agree naman dito ang netizens at komento ng isa, “this is so true! Iba talaga pag si God nag plano.”

Sa kasalukuyan ay naka-base sa New York si LJ at ang dalawa niyang anak na sina Aki and Summer. Umalis siya ng ‘Pinas in September 2021 after her break-up with Paolo Contis, ang ama ng kanyang 2nd child.

Sa New York na niya nakilala ang kanyang bagong pag-ibig at ngayon nga ay malapit na siyang ikasal.

Noong nakaraang Mayo, inanunsyo ni LJ ang kanilang engagement sa pamamagitan ng kanyang IG post.

 

 

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with