Herlene, inaming cause of delay sa rami ng raket
Nakapagtala ng mataas na rating na 11.3% ang Magandang Dilag noong Hulyo 26. Pinagbibidahan ito nina Herlene Budol, Rob Gomez at Benjamin Alves, kaya naman labis ang pasasalamat ni Herlene sa viewers ng GMA Afternoon drama series, nang ma-interview siya ni Kuya Kim Atienza sa programa nitong Dapat Alam Mo na sumalang siya sa lie detector test sa Not Gonna Lie segment. Ang tanong kay Herlene ni Kuya Kim “totoo ba na siya ang cause of delay sa taping ng kanyang drama series dahil sa dami ng raket niya?”
“I’m not gonna lie kuya Kim, yes,” sagot ni Herlene. “May explanation po ako diyan, Isang beses lang po ako na-late dahil po sa strike sa amin sa Angono, Rizal. May sasakyan po naman ako, pero’ yung mga nakaparada pong mga jeep na nagprotesta, sa amin po kasi naka-parada, so wala po akong malabasan noon. Pero matapos po noon, hindi na ako naulit ma-late. So, once is enough, hindi na po naulit iyon.”
Si Rob Gomez naman ang natanong ni Boy Abunda sa afternoon talk show nitong Fast Talk with Boy Abunda, kung totoong nililigawan niya ang katambal na si Herlene Budol, na nakitang magka-date sila sa GMA Gala 2023?’ “We’re really good friends, and she’s really, really smart and funny girl, so I’m very lucky to be able to work with her,” sagot ni Rob. “Pero hindi ko siya nililigawan, nothing beyond work right now. Meron po akong nililigawan, I don’t know if I can disclose it, but we do, we always have someone, masaya po tayo ngayon.”
Ang Magandang Dilag ay napapanood daily at 3:20 p.m., after Abot-Kamay na Pangarap sa GMA 7.
Ruru, naghahanap ng delivery riders!
Tuluy-tuloy na ang taping ng upcoming primetime series na Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid, para sa GMA Public Affairs. Naghahanap ngayon si Ruru ng delivery riders na makakasama niya sa action-serye.
Naglabas ang GMA Public Affairs kung paano makakasali ang delivery riders para maging artista at makasama nila ang mga bigating Kapuso stars. Kailangan lamang i-post nila sa social media ang audition video na nagpapakita ng talent or skill nila para kumbinsihin ang screening team kung bakit karapat-dapat silang maging bahagi ng serye. Huwag ding kalimutang gamitin ang hashtag na #SamaAkoBlackRider. Ilan pa sa makakasama sa serye ng delivery riders na mapipili, sina Kylie Padilla, Matteo Guidicelli at marami pang iba.
- Latest