^

Pang Movies

Elizabeth at Beverly, naghihintay ng kapalit

Joe Barrameda - Pang-masa
Elizabeth at Beverly, naghihintay ng kapalit
Elizabeth Oropesa

MANILA, Philippines — Madalas kong nakikita sa social media ang mga hinaing nina Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo na diumano’y ‘di man lang daw sila ina-acknowledge ng Pangulong Bongbong Marcos bilang supporters.

Marami raw silang hirap na pinagdaanan sa pagiging loyalists since 1986.

Alam ko si Elizabeth kasama pa nila sina Alona Alegre, Rio Diaz at iba pa. Hindi ako aware sa pagiging loyalist ni Beverly since nakilala ko lang siya personally sa movie na Maid in Malacañang.

Ako kasi medyo close rin sa Marcoses at very proud loyalist. Na-meet ko lang ang grupo ni former First Lady Imelda Marcos sa New York nung may trial of the century. Everyday nasa court room ako watching the hearing until napansin ako ng grupo kasama ang namayapang si Manay Ichu Vera-Perez. Noong una nga pinagdudahan ako na spy ng dalawa pero pinagtanggol ako ni Manay Ichu.

For so many months ay dinadalhan  ko sila ng pagkain for lunch break dahil one hour lang ang break at hindi sila makabalik sa tinutuluyang apartment. Eh sa Chinatown lang ako bumibili which is right behind the court house.

‘Yun until now ay naalala pa ni Mrs. Marcos at madalas ikinukuwento niya sa mga kaibigan kahit nakaharap ako.

Doon ko rin nakilala si Atty. Liza Araneta Marcos na noon ay dalaga pa at nag-a-assist sa legal team ni Mrs. Marcos. Hanggang sa pag-uwi dito sa Pilipinas ay naging part ako ng staff ni Mrs. Marcos for a few years bago ako pumasok sa mundo ng pagsusulat sa showbiz.

Ang pinupunto ko rito ay USA ako pumasok sa buhay ng Marcoses at boluntaryong pinagsilbihan ang famous Philippine First Lady na isa ako sa nagpatotoo ng maraming nagawa ang Marcoses sa panahon nila. Sa pagtulong sa kanila ay never ako umasa ng kung ano mang gantimpala o kapalit ng serbisyo ko. Maligaya na ako na napagsilbihan sila sa abot ng makakaya ko.

Kaya nakakagulat na sina Elizabeth at Beverly umaasa ng kapalit sa kanilang pagiging loyalista.

Gabbi, aprubado sina Khalil at Ashley

May upcoming project sina Ashley Ortega at Khalil Ramos. Ito ‘yung As If It’s True.

Kaya sobra ang pasasalamat ni Ashley sa GMA na nabibigyan siya ng magagandang projects.

Recently lang natapos ang teleseryeng Hearts On Ice kung saan si Xian Lim ang leading man niya.

Excited si Ashley sa bagong project niya na isa raw sa bucket list niya ang makagawa ng movie for Cinemalaya.

Ganoon din si Khalil Ramos na iba’t ibang project ang ibinibigay sa kanya. Wala naman daw problema kay Gabbi Garcia na current girlfriend niya at close friend din ni Gabbi si Ashley.

Kaya madali silang nagkapalagayan ng loob.

vuukle comment

ELIZABETH OROPESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with