^

Pang Movies

Beauty, hinukay ang sinuot na gintong alahas

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Beauty, hinukay ang sinuot na gintong alahas
Beauty Gonzales

Ang bongga pala ng outfit ni Beauty Gonzalez sa GMA Gala 2023 lalo na ang mga alahas na suot niya.

Isa si Beauty sa agaw-eksena sa event na ginanap pa sa Marriott Grand Ballroom. Suot niya ang mga gold jewelry na centuries old na pala.

Ayon sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis star ay isa itong “appreciation for Philippine Ancestral Gold.”

“My Centuries old Gold Neck Piece and Earrings are Excavated Eye and Mouth Covers from distant places like Butuan and Surigao,” caption niya sa kanyang post kung saan ipinakita niya ang kanyang outfit.

Talaga raw pinaghandaan niya ang nasabing gala kung saan nagpa-sauna, workout at nagpamasahe pa raw siya para ma-relax at uminom ng wine para magkaroon ng confidence ng gabing iyon.

Wala namang duda na lumutang ang ganda ng aktres na hindi halatang may daughter na siya sa mister na si Norman Crisologo na nagmana rin sa kanyang kagandahan na si Olivia.

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with