^

Pang Movies

Direk Paul, tsugi sa SONA 2023?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pang-masa
Direk Paul, tsugi sa SONA 2023?!
Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga

Hindi na raw si Direk Paul Soriano ang magdidirek ng 2nd State of the Nation Address ni President Bongbong Marcos?

Ang Radio Television Malacañang (RTVM) na raw kasi ang mamahala rito. Though walang mention kung sino ang kinuha ng RTVM na director.

Si Direk Paul ang humawak ng  unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos.

Or baka naman daw kasi schedule ng kapanganak ni Toni Gonzaga ang July 25 kaya hindi ito maididirek ni Direk Paul.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco “Ang information na nakuha namin from the Office of the President and the Presidential Communications Office, the RTVM will take care of it. In other words yung mga beterano nila sabi nila kayang-kaya nila because these people, they know what to do already. RTVM will take care of it,” sa mga reporter.

Si Direk Paul ay Presidential Adviser on Creative Communications.

Pero lately ay dawit siya sa kung anu-anong kontrobersya pero wala itong sinasagot.

Maalalang nakasali ang pangalan niya sa pagiging Global Tourism Ambassador ni Vanessa Hudgens at sa Love the Philippine campaign ng DOT.

Anyway, bukod sa presentation, inaabangan tuwing may SONA ang fashion statement ng bawat pulitiko at kanilang mga misis lalo na nga at ang daming artista sa Senate at Congress ngayon.

‘Just a reminder…I have boundaries. Do not cross them’ - Lea

Mas kinampihan ang Broadway star na si Lea Salonga sa kumalat na video ng fans na nagpapa-selfie sana sa dressing room niya sa Broadway play na Here Lies Love.

Mapapanood nga sa nag-viral na video na pumapasok ang fans sa dressing room ni Lea pero hindi siya pumayag.

“Just a reminder… I have boundaries. Do not cross them. Thank you,” isa sa tweet nito.

Nag-post din siya na “Okay, real life demonstration: none of the actors in HLL have been to my dressing room. Not Arielle, Jose, Conrad, Melody, or anyone else. These are already friends and co-workers, and yet they respect my boundaries! So who is anyone else to want to invade my space? Make it make sense!

“That attitude of entitlement gets a F--K THAT S--T from me.”

Naririnig nga sa nasabing video na may binanggit pang name ang nag-upload ng video na kaibigan daw sila ni G Toengi na isa sa mga producer ng HLL.

“Sooooooo here’s the kicker… the person whose name they were naming as their producer friend has no idea who they are. I asked her, and she’s seen the video (all our producers have, as well as company management, house management and security). She had no idea who they were. I was giving the benefit of the doubt until the moment I heard back from her.”

Gumaganap si Lea bilang si Aurora, ang ina ni Ninoy Aquino sa HLL. Isa rin siya sa co-producer ng show.

Milyones ang nairegalo...Vice hinalukay ang style baklang pagmamahal ni Andrea kay Ricci!

Milyones din pala ang nagastos ni Andrea Brillantes sa ex niyang si Ricci Rivero.

Actually para raw siyang bakla pag-amin ng Gen Z actress sa interview ni Vice Ganda. Todohan pag-in love.  “Todo po ako as in, actually bakla akong magmahal, bakla rin akong magregalo sobra, hay!

“Siguro po umabot ng milyon. Ganu’n ako mag-love eh.”

Meron pa siyang nai-chika sa nasabing interview na ipinilit niya sa isang show ang basketball player pero dahil walang budget, binawas na lang daw sa talent fee niya ang biniyad kay Ricci.

Sinabi rin ni Andrea na wala siyang planong bawiin ang mga iniregalo niya sa ex dahil “Kasi alam n’yo po Meme kapag kinuha ko kasi lahat ng ibinigay ko sa kanya wala na siyang gamit sa condo niya,” kaya napa-OMG si Vice.

Isang buwan daw siya bago naka-move “Minsan, kung hirap kang mag-move on, kailangan mo talagang isipin ‘yung mga bagay na, ‘talaga ba iiyakan ko ‘yung lalaki na hindi naman nagpapa-laundry ng isang taon,’ ganun.”

Pero sa kabila ng mga nangyari, wala naman daw siyang pinagsisisihan.

“Kahit saan ho, wala akong pinagsisihan kasi nagmahal ako, kung meron man akong pagsisisihan ‘yung mga bagay na nasabi kong masakit kasi aaminin ko, hindi rin ako perfect na girlfriend laluna bagets-bagets pa ako, ang dami ko ring hindi magandang nagawa,”  pag-amin nito sa YouTube show ni Vice na habang sinusulat namin ito ay no. 2 trending kaagad at millions agad ang views.

Inulit niya may iba na talaga ang ex kaya ‘di na niya isiniksik ang sarili.

“In love pa ‘ko nun pero parang may iba na eh, paano ko isisiksik sarili ko roon, saan na ako roon? Love na love ko pa siya, kinaya kong lunukin ‘yung dapat ‘di ko na lulunukin pero ganoon ko siya kamahal. Akala ko siya na pero kinailangan kong tanggapin na hindi...”

Sa totoo lang kahit na ata anong gawin ni Andrea ay popular agad sa social media.

Pero nabuko rin naman sa nasabing interview na hindi siya organized. Nakita ni Vice sa hair brush nito sa bag na ang dirty nito ay may false eyelashes.

At ang pera niya kalat-kalat sa bag.

 

vuukle comment

PAUL SORIANO

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with